Lani Misalucha miss na miss na ang mga apo sa U.S.

by Jojo Gabinete
Oct 4, 2020
Miss na miss na raw ni Lani Misalucha ang kanyang dalawang anak at limang apo sa U.S. In photo: ang mga apo niyang si Caden (right photo, leftmost) at Joey.
PHOTO/S: @lanimisalucha on Instagram

“Stranded” sa Pilipinas si Lani Misalucha mula pa noong February 2020 dahil sa coronavirus pandemic.

Nangungulila raw ito sa kanyang mga anak na sina Lian at Louven, at sa lima niyang apo na sina Caden, Leora, Joey, Jonah, at Kian. Lahat sila ay based sa U.S.

Sa tingin ni Lani, baka sa susunod na taon na ang biyahe niya sa Amerika dahil sa kanyang commitment bilang hurado ng The Clash Season 3, ang reality talent competition ng GMA-7 na muling mapapanood simula October 3, Sabado, 7:15 p.m., at October 4, Linggo, 7:45 p.m.

"One hundred percent, sinabi mo. Sobra” ang sagot ni Lani tungkol sa pangungulila niya sa kanyang mga anak at apo.

"Nandito tayo sa The Clash ngayon which is matatapos tayo ng December. I think, baka after Christmas pa kami makauwi.

"Well, hindi naman tayo nagrereklamo. Isang malaking biyaya ito, isang malaking ibinigay ng Panginoon na at least, e, unti-unti na tayong nagtatrabaho, nagte-taping at nagkakakitaan na kami.

Continue reading below ↓

"I think this is gonna be the first time na hindi ako mag-Christmas with my children and grandchildren. Nakakalungkot.”

Nang tanungin naman tungkol sa mga hamon ng magiging winner ng The Clash Season 3 sa panahon ng COVID-19 pandemic, sinabi ni Lani na kelangan nitong mag-adjust given the restrictions.

Aniya, "Just like anyone else, mapa-singer, mapa-empleyado, mapa-delivery man o security guard, lahat tayo nag-adjust.

"Hindi mag-a-adjust kahit kailanman ang pandemic sa atin, tayo ang mag-a-adjust.

"So we will have to just find a way for us to be able to function in the very normal way dito sa sitwasyon natin ngayon.

"I guess, ganoon din ang mangyayari sa magiging bagong grand winner sa The Clash Season 3.

"We will still have to find a way for him or her to be acknowledged or to be popular in the entertainment business. Talagang tayo ang gagawa ng paraan.”

Sina Ai-Ai delas Alas at Christian Bautista ang mga kasama ni Lani bilang hurado ng The Clash.

Continue reading below ↓

Nangako ang tatlo na kahit may pandemic, walang mag-iiba sa kanilang mga tasks, although naninibago sila kay Christian dahil biglang naging considerate judge ito sa mga contestants.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss na miss na raw ni Lani Misalucha ang kanyang dalawang anak at limang apo sa U.S. In photo: ang mga apo niyang si Caden (right photo, leftmost) at Joey.
PHOTO/S: @lanimisalucha on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results