Lea Salonga, Piolo Pascual, Isko Moreno, present sa That's Entertainment Zoom reunion

by Jojo Gabinete
Oct 4, 2020
Naaalala niyo sila? Ang mga members ng That's Entertainment, namayagpag sa ere mula 1986 hanggang 1996, kasama ang host at star builder na si German Moreno (wearing necktie sa last row).
PHOTO/S: That's Entertainment on Facebook

Ngayong araw, October 4, 2002, ang sana'y 87th birthday ni German Moreno, na pumanaw noong January 8, 2016.

Para bigyang-bugay ang television host at star builder, nagkaroon ng isang “ Zoom-Mustahan,” na nilahukan ng mga dating miyembro ng That’s Entertainment kagabi, October 3.

Isang dekada ang itinakbo ng nasabing youth-oriented show sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Inilunsad ito noong January 6, 1986, at nagpaalam sa ere noong May 3, 1996. Nagkaroon ito ng 3,200 episodes, at nakadiskubre ng halos 200 stars.

Star-studded ang video call dahil sa partisipasyon ng halos lahat ng mga artista na produkto ng That’s Entertainment.

Muling nasilayan ng fans ang original cast ng programa, sina Lea Salonga, Jestoni Alarcon, Jojo Alejar, Mon Alvir, Lovely Rivero, Ramon Christopher, Kristina Paner, Sheryl Cruz, Lotlot de Leon, at ang mga sumunod na batch ng top-rating show.

Continue reading below ↓

Isang tunay na throwback ang nangyari dahil sa performances ng That’s Entertainment alumni, at pagbabalik-tanaw nila sa panahong aktibo pa sila sa showbiz.

L-R, 1st row: Jojo Alejar, Sharmaine Arnaiz, Chuckie Dreyfus, Lilet

L-R, 2nd row: Marco Polo Garcia, Cecile Galvez, Jovit Moya, Romnick Sarmenta, Sheryl Cruz, Precious Hipolito, Mike Castillo, Ricky Rivero

That's Entertainment

Continue reading below ↓

Binigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga miyembro ng Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday at Friday groups na magpakilala at magkuwento tungkol sa kanilang buhay ngayon. Marami sa kanila ay mga pribadong mamamayan.

Nagpapasalamat ang mga miyembro dahil pinaunlakan ng mga successful graduates ng programa—sina Lea, Billy Crawford, Manila City Mayor Isko Moreno, at Piolo Pascual—ang imbitasyon na maging bahagi ng "Zoom-Mustahan."

Miyembro ng Friday group si Piolo na binigyan ng importansiya dahil siya ang nag-iisang lalake sa medley number nila nina (L-R, 1st row) Sharmaine Arnaiz, Kim Delos Santos, Nicole; (L-R, middle row) Tina Paner, Piolo, Lilet; (L-R, 3rd row) Babyshake Rico, Judy Ann Villavert, at Marita Villarama.

Friday Group

Continue reading below ↓

Si Sharmaine ang nakipag-usap kay Piolo para maging bahagi ng kanilang production number at tuwang-tuwa siya dahil pumayag agad ang aktor.

Sa bihirang pagkakataon, ipinakita sa "Zoom-Mustahan" ang itsura ni Piolo noong miyembro pa ito ng That’s Entertainment, at PJ Pascual pa ang screen name na ginagamit niya.

Kasama niya sa larawan sa kaliwa si Kim.

Piolo Pascual

Continue reading below ↓

Si Sharmaine din ang instrumento kaya nakumbinsi ang former actor na si Richard Bonnin na magbigay ng mensahe para sa mga kasamahan nila sa That’s Entertainment.

richard bonnin

Matagal nang US-based si Richard na unang nag-artista kesa sa kanyang kapatid na si Charlene Gonzalez.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naaalala niyo sila? Ang mga members ng That's Entertainment, namayagpag sa ere mula 1986 hanggang 1996, kasama ang host at star builder na si German Moreno (wearing necktie sa last row).
PHOTO/S: That's Entertainment on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results