Caridad Sanchez, hinahanap pa rin si John Lloyd Cruz kahit may dementia ang veteran actress

by Jojo Gabinete
Oct 5, 2020
Caridad Sanchez (left) played Lola Juling to John Lloyd Cruz's Rovic in ABS-CBN's youth-oriented drama series Tabing Ilog (right), which aired from March 14, 1999 to October 19, 2003.
PHOTO/S: Facebook / YouTube

Naging malapit sa isa’t isa sina Caridad Sanchez at John Lloyd nang gumanap silang mag-lola sa Tabing-Ilog, ang teen drama series ng ABS-CBN na umere mula March 14, 1999 hanggang October 19, 2003.

Kaya hindi nakapagtatakang ang aktor ang isa sa gustong makausap ng respected veteran actress na may karamdaman ngayong dementia.

Pagkawala ng alaala sa maiksing panahon ang isa sa mga sintomas ng dementia. Pero kahit nangyayari ito ngayon kay Caridad, malaki ang posibilidad na matatandaan pa rin niya si John Lloyd.

Tiyak na mangingibabaw ang pagmamahal ni Caridad kay John Lloyd at ang kanilang malalim na pinagsamahan dahil mabura man ang kanyang memorya, hindi nakalilimot ang puso.

Caridad Sanchez and John Lloyd Cruz in Tabing Ilog

Continue reading below ↓

Sa guesting ni John Lloyd sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay noong 2017, naging emosyunal ang aktor habang binabasa ang liham mula kay Caridad, na gumanap na Lola Juling niya sa Tabing Ilog.

Ito ang nilalaman ng sulat ni Caridad para kay John Lloyd:

"Simula nang magkatrabaho tayo sa Tabing Ilog, ang lagi kong naaalala sa iyo ay ang pagiging mabuting anak mo at mahusay na katrabaho.

"How I wish na kasama mo ako diyan, pero matanda na ang lola mo. Pero gusto kong malaman mo na I keep on watching you until now.

"I'm so proud of you noon pa man. Alam kong magiging great actor ka at hindi ako nagkamali.

"Twenty years in this industry is no joke. Sobrang masaya ako na umabot ka ng twenty years at naging bahagi ako ng iyong career noong nagsisimula ka pa lang.

"Thank you for the love and you have my respect. You will always be my John Lloyd, my Rovic. I love you."

Continue reading below ↓

NO MORE DRAMA SERIES

Nitong Linggo ng hapon, October 4, nakausap ng Cabinet Files sa telepono ang anak ni Caridad na si Cathy Sanchez-Babao.

Hiningi namin ang permiso niyang maibahagi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isang artikulo na isinulat niya tungkol sa pagsisimula ng acting career ng kanyang mahal na ina, at pumayag naman siya.

Sinamantala rin namin ang pagkakataon para kumustahin ang kalagayan ng kanyang 87-year-old mother.

"Actually, malakas naman si Mommy, kaya lang minsan nga nakakalimot siya," sabi ni Cathy.

Kinumpirma ni Cathy na hindi na gagawa ng mga TV series ang ina.

"Oo, kasi ang last niya yata, yung kay Alden pa, yung One True Love," pagtukoy niya sa 2012 drama series ng GMA-7 na pinagbidahan nina Alden Richards at Louise delos Reyes.

Gumanap si Caridad dito bilang mapagmahal na lola ni Alden.

Alden Richards and Caridad Sanchez in One True Love

Continue reading below ↓

Patuloy ni Cathy, "Nami-miss din niya ang pag-arte. Pero noong early years ng dementia niya, parang sinasabi na lang niya na, 'Ay hindi na, pahinga na ako.' Enjoy na lang siya ng buhay.

"Enjoy naman siya kapag may nakakausap na from the industry. Nandiyan pa naman, she’s still there. She still remembers a lot of people."

"HINDI KA PUEDE DITO, KASI HINDI KA MESTIZA"

Mahusay na manunulat si Cathy.

Noong August 5, 2014, naglabas siya ng artikulo sa Positively Filipino tungkol sa pag-uumpisa ng acting career ng ina.

Unang inilabas ni Cathy sa kanyang Facebook page ang napakagandang artikulo na nagustuhan ng Positively Filipino staff kaya hiniling nilang isulat din niya para sa U.S.-based Filipino magazine.

“A Lesson My Mom,The Actress, Caridad Sanchez, Told Me” ang pamagat ng artikulo. Tungkol ito sa mga pagsubok na pinagdaanan ng ina sa simula ng acting career nito sa Maynila.

Year 1958 nang iwanan ni Sanchez ang kanyang acting career sa Cebu dahil lumuwas siya ng Maynila para sundan ang kanyang actor-boyfriend na si Tony, na gustong subukan ang kapalaran sa siyudad.

Continue reading below ↓

Tatlong buwang hinanap ni Caridad si Tony pero pinagtaguan siya nito, hanggang may nakapagsabi sa kanyang madalas ang boyfriend niya sa isang restawran sa Escolta.

Pero nasaktan si Caridad sa kanilang pagkikita. Sinabihan siya ni Tony na mga mestiza lang ang pwedeng maging artista sa Maynila, hindi ang katulad niyang morena.

Ito ang bahagi ng kuwento ni Cathy tungkol sa hindi malilimutang karanasan noon ng kanyang ina:

"Nakaharap sya sa pintuan, so kitang kita ko s’ya through the glass," Mom tells me.

Her heart racing, she approached him, in an attempt to surprise him. She was all smiles when she tapped his table with both hands, "Huy! Kamusta?”

His response shocked her. "Naku, para syang nakakita ng maligno! At ang una nyang tinanong, 'anong ginagawa mo dito?'”

She told him that she had come to Manila to follow him, and so they could make movies together.

"Masama na ang kutob ko, kasi ni hindi nya ako inimbitang kumain, or umupo,” she recalls the events like it was just yesterday.

Continue reading below ↓

The following exchange changed the course of her life. "Hindi ka puede dito," he told her in an irritated tone. "Huh? Eh bakit? Bakit ikaw puede, ako hindi," she retorted. "Hindi ka puede dito, kasi hindi ka mestiza. Mga mestiza lang ang puede mag- artista dito. Umuwi ka na ng Cebu."

Stunned, Mom couldn't even reply; instead she just turned her back and walked out on him. "Ano pa ba ang isasagot ko doon. Eh morena ako, hindi raw ako puede mag- artista," she recalls.

Outside the restaurant and terribly despondent she spotted a bridge and started walking towards it in a daze. "Siempre napahiya ako. Malala pa sa busted ang inabot ko diba? Pero talagang love ako ni God," she narrates.

CARIDAD'S FORAY INTO ACTING

Imbes na pumunta sa tulay na kanyang namataan, natagpuan ni Caridad ang sarili sa loob ng Quiapo Church at dito niya ibinuhos ang sama ng loob.

Continue reading below ↓

Umiiyak siyang nanalangin sa Black Nazarene, at nasabi niya sa sarili na pareho silang maitim ng Nazareno, pero sinasamba at pinupuntahan ito ng maraming tao.

Tila pinakinggan ng Panginoong Diyos ang dasal ni Caridad dahil makalipas ang ilang araw, kinuha siya ng LVN Studios para maging kontrabida ni Charito Solis sa Malvarosa (1958).


Continue reading below ↓

Tandang-tanda ni Caridad na pasara na ang gate ng LVN Studios nang dumating siya, pero pinapasok pa rin sila ng security guard dahil kilala nito ang photographer na kasama nila ng kanyang pinsan.

Si Rosa Rosal ang dapat na gaganap na contravida sa pelikula, pero buntis siya noon sa kanyang nag-iisang anak na si Toni Rose Gayda.

"Naghahanap sila ng contravida noon kasi nag-asawa na si Rosa Rosal. Ang timing nga naman ni Lord,” sabi ni Caridad sa artikulo ni Cathy.

"Mom passed the screen test with flying colors, and was soon cast as contravida in the film Malvarosa, and from there her star slowly began to rise.

"Sabi nila Chato [Solis] later on, noon daw araw ng screen test ko, nagbubulungan raw sila ni Leroy Salvador, 'Sino iyan? Parang may-ari ng LVN, walang kakaba-kaba kumilos!' Hindi lang nila alam, na talagang nilakasan ko lang ang loob ko kasi dumudugo pa ang puso ko noon, saka ano pa ba ang worse na puedeng mangyari, eh nasupalpal at napahiya na nga ako sa Escolta diba?"

Continue reading below ↓

Sa set ng isang pelikula na ginagawa ni Caridad noong dekada ’60, nakita niya si Tony na payat, hindi maayos ang hitsura at nakikiusap sa direktor na isali siya sa proyekto. Pero nag-aalala si Tony na baka tumanggi si Caridad dahil sa pagmamaltrato niya sa dating karelasyon noong 1958.

Pumayag si Caridad na makatrabaho si Tony dahil awa ang umiral sa kanya, pero ni minsan, hindi sila nag-usap.

Naramdaman din niya ang pag-iwas ni Tony at nang matapos ang shooting ng pelikula, wala na siyang nabalitaan tungkol sa ex-boyfriend.

“It was the pain he caused me that drove me to really do my best. Hindi rin ako nagtanim ng galit, hinayaan ko lang, kahit ang sakit-sakit ng ginawa n’ya sa akin. Hindi ko s’ya inaway, kaibigan ko pa rin ang pamilya n’ya.

"Pag binigay mo lahat, iga-guide ka talaga ni Lord. Siya na ang bahala. Bakit imbes sa tulay ako napunta, sa simbahan ako napadpad?

Continue reading below ↓

“Bakit pasara na ang studio, pero yung photographer na kasama namin, kilala ang guard? Bakit noong dumating ako sa LVN, s’ya naman ang pag-retire ni Rosa Rosal? Plano talaga lahat ni Lord iyan," sabi ni Caridad.


MOTHER-DAUGHTER CONVERSATION

Unti-unti mang nakakalimot dahil sa dementia, tiyak na mananatili sa puso at isip ni Caridad ang walang katumbas na pagmamahal na ibinibigay at ipinararamdam ni Cathy sa kanya.

Continue reading below ↓

Magdiriwang si Cathy ng 56th birthday sa October 16.

Ngayong Linggo, October 5, nag-post siya sa kanyang Facebook page tungkol sa naging pag-uusap nila ng nanay niya.

"The other day I asked my mom when my birthday was and she said that she couldn’t remember.

"Though my heart sank a bit when I realized she could no longer remember the date, I decided to take it in stride and tell myself how this is part of the condition, and that it was par for the course.

"Then she said, 'Oh baka nakalimutan mo ako ha.' In my head I was thinking, how can a child ever forget their parent? So I asked, 'Mom, Ano niyo ako?' And without missing a beat, she said, 'Anak!'

"Thank you for still remembering. It’s true, the heart never forgets."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Caridad Sanchez (left) played Lola Juling to John Lloyd Cruz's Rovic in ABS-CBN's youth-oriented drama series Tabing Ilog (right), which aired from March 14, 1999 to October 19, 2003.
PHOTO/S: Facebook / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results