Masked Singer Pilipinas, magtatampok sa 12 celebrity contestants

by Jojo Gabinete
Oct 6, 2020
Masked Singer Pilipinas host Billy Crawford (center) with celebrity judges (from left) Aga Muhlach, Kim Molina, Cristine Reyes, and Matteo Guidicelli.
PHOTO/S: Courtesy of Viva Television

Ang Sari-Sari Network Inc. at Viva TV Production ang producers ng Masked Singer Pilipinas, ang local version ng King of Masked Singer na nag-originate sa South Korea.

Magsisimula ngayong Martes, October 6, ang taping ng Masked Singer Pilipinas sa Novaliches studio ng TV5.

Mapapanood naman ito simula sa October 24 hanggang December 26, 2020.

Si Billy Crawford ang host ng Masked Singer Pilipinas .

Sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Kim Molina, at Matteo Guidicelli ang mga judge ng reality singing competition na magkakaroon ng surprise celebrity judge sa ika-apat na episode.

Ang Viva TV executive na si Jay Montelibano ang nagsabing ginawa nilang Pilipinong-Pilipino ang mga karakter ng mga celebrity na kasali sa Masked Singer Pilipinas.

"We localized the characters, nilagyan namin ng Pinoy flavor, like the dog, tinawag namin na Aspin. Si Pusa, ginawang Pusaway.

"Meron kaming syokoy, tikbalang na tinawag namin na Tikboy, and then merong Adarna at Sireyna.

Continue reading below ↓

"Ang unique proposition ng show is the singer remains as a mystery not until he or she is unmasked.

"So, in every episode, there is always a masked singer who will be eliminated and will be unmasked, at doon makikilala ng tao kung sino siya.

"The role of the judges is to actually guess who is behind the mask," sabi ni Jay tungkol sa bagong proyekto niya sa TV5.

May labindalawang contestants ang Masked Singer Pilipinas, at tiniyak ni Jay na hindi magkikita ang mga hurado at ang mga kalahok sa programa.

"I have twelve contestants. Pagdating ng fourth episode, yung mga hindi na-unmasked or hindi na-eliminate, they now get to compete with each other.

"Mga celebrity ang lahat ng mga contestant at kilala silang lahat.

"Yung costumes nila, there’s not an inch of their skin that is showing so it makes it even harder. Specialized ang costumes for them, hindi naman mainit.

Continue reading below ↓

"Hanggang ngayon, hindi nagkakaalaman kung sinu-sino ang mga contestant at sino ang mga kalaban nila," dagdag na pahayag ni Jay.

Magtatagal ng labing-isang linggo sa telebisyon ang Masked Singer Pilipinas, kabilang ang special episode—ang reunion ng lahat ng masked singers na matutunghayan sa huling Sabado ng Disyembre.

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masked Singer Pilipinas host Billy Crawford (center) with celebrity judges (from left) Aga Muhlach, Kim Molina, Cristine Reyes, and Matteo Guidicelli.
PHOTO/S: Courtesy of Viva Television
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results