Sexy actress noong '80s Anna Marie Gutierrez, biktima ng death hoax

by Jojo Gabinete
Oct 8, 2020
Ang 1985 Scorpio Nights star na si Anna Marie Gutierrez ay nakagawa ng higit 40 na pelikula bago niya tinalikuran ang showbiz sa edad na 23. "No regrets. It’s the right decision at that time," saad ni Anna na matagal nang nakabase sa New York.
PHOTO/S: Scorpio Nights / Courtesy of Anna Marie Gutierrez

Biktima ng fake news ang '80s sexy actress na si Anna Marie Gutierrez dahil "pinatay" siya ng paranormal expert na si Jaime Licauco sa artikulo na isinulat nito sa Philippine Daily Inquirer noong June 11, 2019.

Si Anna Marie ang subject ni Licauco sa article na may pamagat na "Bold star’s antique dresser is haunted."

Ikinuwento ni Licauco na nakatanggap siya ng phone call mula kay Anna Marie noong mid-'90s dahil sa mga hindi maipaliwanag na karanasan ng aktres na nagigising na lamang na may mga pasa sa katawan at unbuttoned ang blusa na suot niya.

To make the long story short, ang century-old antique dresser ni Anna Marie ang natuklasan ni Licauco na dahilan ng mga kakaiba at makapanindig-balahibo na karanasan ng aktres.

Diumano, ayaw ng dating may-ari ng antique dresser na mapasakamay ito ng ibang tao kaya nagmumulto siya.

"In the case of Anna Marie Gutierrez is one reason I advise people not to buy or bring antiques into their houses, unless they know the origin or history of that antique.

Continue reading below ↓

"She later migrated to the US and died in Los Angeles in 2009," bahagi ng artikulo ni Licauco tungkol kay Anna Marie.

Well, guess what? Buhay na buhay si Anna Marie.

Noong Miyerkules ng gabi, October 7, nakausap siya ng Cabinet Files sa pamamagitan ng Facebook direct message.

Matagal na naming hinahanap si Anna Marie para mainterbyu, pero matagal na siyang "patay" ang sagot ng lahat ng mga tao na aming napagtanungan.

Pero lumitaw na walang bahid ng katotohanan ang balita.

Nang i-Google ni Anna Marie ang kanyang pangalan, may mga nabasa siya na siya ay "patay" na kaya shocked na shocked niya.

"I was shocked," saad ni Anna Marie nang mabasa nito sa Internet ang mga balita na patay na siya.

Dagdag niya, "I don’t know where and how they got that from."

Ang fake news tungkol sa kanyang pagkamatay ang nag-udyok kay Anna Marie para magbukas ng Facebook account.

Continue reading below ↓

Ito ang paraang naisip niya upang malaman ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan na buhay na buhay siya.

Kinumpirma ni Anna Marie na kumunsulta siya noon kay Licauco tungkol sa kanyang antique dresser.

Pero nagkamali raw ang paranormal expert sa kuwento nito na mid-'90s nang makatanggap siya ng tawag sa telepono mula sa aktres dahil 1987 nang mag-migrate ito sa New York.

LIFE IN NEW YORK

Tahimik nang namumuhay si Anna Marie sa Larchmont New York, sa piling ng kanyang American husband at 13-year-old daughter na apple of the eye niya.

Tumanggi si Anna Marie na sabihin ang pangalan ng kanyang asawa dahil sa pagpapahalaga sa privacy ng kanilang pamilya.

Pero nagbigay siya ng ilang mga detalye tungkol sa buhay niya ngayon sa Amerika.

Aniya, "I now work for a hospital in New York as an administrator for a surgical unit. I’m doing fine, married and my daughter is now 13-year-old."

Continue reading below ↓

Kung sakali, posible bang siya ay magbalik-showbiz?

Sagot ni Anna Marie, "I like my private life now but if a right project comes along, I will do it."


MORE THAN 40 MOVIES

Nag-umpisa ang acting career ni Anna Marie noong 1980 bilang isa sa mga angel ng King of Comedy na si Dolphy sa Dolphy’s Angels.

Continue reading below ↓

Introducing sa pelikula sina Anna Marie, Carmi Martin, Liz Alindogan, at co-star nila si Yehlen Catral.

Menor de edad si Anna Marie nang pumasok sa showbiz dahil 14-years-old lamang siya noon.


Naging matagumpay ang acting career ni Anna Marie dahil sunod-sunod ang kanyang mga film assignment.

Continue reading below ↓

Nagkaroon pa siya ng acting nomination sa Gawad Urian para sa Takaw Tukso (1986).

Pero sumikat nang husto si Anna Marie nang magbida siya sa Scorpio Nights (1985), Climax (1985), at Unfaithful Wife (1986).

Mula 1980 hanggang 1987, mahigit sa apatnapu ang bilang ng mga pelikula na ginawa ni Anna Marie.


Continue reading below ↓

"NO REGRETS"

Hanggang sa bigla siyang nagpasya na talikuran ang showbiz habang namamayagpag ang career at manirahan nang permanente sa New York.

Iniwan niya ang showbiz sa edad na 23, kahit marami at malalaking oportunidad pa ang naghihintay sa kanya.

"I’ve never been back since 1987. I left showbiz because it was the right time. New faces are coming and I know it’s time.

"No regrets. It’s the right decision at that time."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang 1985 Scorpio Nights star na si Anna Marie Gutierrez ay nakagawa ng higit 40 na pelikula bago niya tinalikuran ang showbiz sa edad na 23. "No regrets. It’s the right decision at that time," saad ni Anna na matagal nang nakabase sa New York.
PHOTO/S: Scorpio Nights / Courtesy of Anna Marie Gutierrez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results