Bagong segment ng It's Showtime, ginaya ang konsepto ng Masked Singer Pilipinas ng TV5?

by Jojo Gabinete
Oct 8, 2020
Malaki ang pagkakahawig ng mystery celebrity singer sa Hide and Sing segment ng It's Showtime sa bagong ilulunsad na reality singing show na Msked Singer Pilipinas sa TV5.
PHOTO/S: It's Showtime / Masked Singer Pilipinas Facebook

Nagsimula kahapon, October 7, ang test broadcast ng A2Z bilang paghahanda sa pag-uumpisa sa darating na Sabado, October 10 ng pagpapalabas ng mga programa ng ABS-CBN.

Ang A2Z ay television network na pag-aari ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord Church Worldwide.

Simula sa Sabado, October 10, mapapanood na ang It’s Showtime sa A2Z at sa Linggo, October 11, ang ASAP Natin ‘To.

Kasado na rin sa Lunes, October 12, ang mga television series ng Dreamscape Entertainment Inc. na FPJ's Ang Probinsyano (Coco Martin) at Walang Hanggang Paalam (Angelica Panganiban. Paulo Avelino, Zanjoe Marudo & Arci Muñoz).

Hindi maipagkakaila na pinaghahandaan ng It’s Showtime ang pagbabalik nito sa free television sa pamamagitan ng mga bagong segment tulad ng "Hide and Sing."

Tatlo ang mystery singers na kasali sa "Hide and Sing" na nakasuot ng PPE-inspired outfit.

Isa sa mga mystery singers ay celebrity, na dapat mahulaan ng celebrity player, sa tulong nina Vice Ganda, Ryan Bang, Jhong Hilario, at Vhong Navarro.

Continue reading below ↓

Malaki ang pagkakahawig nito sa concept ng Masked Singer Pilipinas, ang reality singing competition show ng Viva Television at TV5.

Kaya may mga naghihinala na sinadya ito para ma-pre-empt ng It’s Showtime ang programa ng Viva Television at TV5 na magsisimula pa lang sa October 24, 2020.

Si Billy Crawford ang host ng Masked Singer Pilipinas at alam ng publiko na ex-co-host siya ng It’s Showtime.

May balita tungkol sa plano na live telecast ng It’s Showtime sa October 19 dahil tatapatan nila ang pilot episode ng Lunch Out Loud, ang noontime show ng Brighlight Productions at TV5.

Former "Tawag ng Tanghalan" hurado ng It’s Showtime si K Brosas, pero lumipat na siya sa Lunch Out Loud dahil tinanggap niya ang alok para maging isa sa mga co-host ng programa.

Isang insider ang nagsabi na may tampo umano ang staff ng It’s Showtime kay K dahil sa paglipat nito sa kanilang rival program/

Continue reading below ↓

Hindi naman ipinagwawalang-bahala ng TAPE Inc. ang paglipat ng It’s Showtime sa A2Z at ang unang araw ng pagtatanghal ng Lunch Out Loud sa TV5.

Ang TAPE Inc. ang producer ng Eat Bulaga, na dalawampu’t-limang taon nang umeere sa GMA 7 mula nang matapos ang kontrata nila sa ABS-CBN noong 1994.

Bukod sa "Bawal Judgmental," may mga bagong segment na masusubaybayan sa longest running noontime show ng bansa—ang Social Dis-Dancing at ang upcoming na Social Distan-SING.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Malaki ang pagkakahawig ng mystery celebrity singer sa Hide and Sing segment ng It's Showtime sa bagong ilulunsad na reality singing show na Msked Singer Pilipinas sa TV5.
PHOTO/S: It's Showtime / Masked Singer Pilipinas Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results