Kris Lawrence, napabilib ang iniidolong si Wanya Morris ng Boyz II Men

by Jojo Gabinete
Oct 9, 2020
Kris Lawrence (left) sings "On Bended Knee" during virtual meeting with his idol Wanya Morris (right) of Boyz II Men. On Wanya seeking an interview with him, Kris says, "A certain manifestation happened here. Aligned, e."
PHOTO/S: Screengrab from Wan Wednesday

Sina Michael Jackson, Brian McKnight, at Wanya Morris ng popular American R&B vocal group na Boyz II Men ang mga singer na malaki ang impluwensya kay Kris Lawrence.

Seven years old pa lamang si Kris ay napapakinggan niya na ang mga ito, at ito rin ang panahon na nag-uumpisa ang kanyang hilig sa pagkanta.

"Me and my sister would spend summers on the couch listening and memorizing their songs," kuwento

Kaya isang pangarap ang natupad nang hindi inaasahang magkaroon siya ng pagkakataonng makausap ang 47-year-old member ng Boyz II Men na si Wanya.

Five months ago, nag-post si Kris sa kanyang YouTube Channel ng quarantine cover niya ng "On Bended Knee," na meron nang 1,008,93 views sa kasalukuyan.

Lingid sa kaalaman ni Kris, napanood ni Wanya ang cover version niya ng isa sa mga sikat na kanta ng Boyz II Men.

Kaya noong Setyembre, nakatanggap siya ng notification na Instagram follower na niya ang mga miyembro ng nabanggit na grupo.

Continue reading below ↓

Ang dalawa pang kagrupo ni Wanya ay sina Natthan Morris at Shawn Stockman.

ONE-ON-ONE WITH BOY II MEN'S WANYA

At noong Linggo, October 4, inimbitahan si Kris ng isang tauhan ni Wanya para maging guest siya sa Wan Wednesdays, ang online show ni Wanya tuwing Miyerkules ng gabi sa Las Vegas, USA.

Naganap ang virtual conversation ng dalawa nitong Huwebes nang umaga, October 8 (Manila time).

Lubos ang saya na ibinahagi ito ni Kris nang makausap siya ng Cabinet Files nitong Huwebes ng gabi.

"Someone from his end reached out to me saying that Wanya would love to have me on Wan Wednesdays and he would look out for me," lahad ni Kris.

"Then they messaged again yesterday that Wanya will be looking out for me if I’m able to join.

"So siyempre gising ako kahit umaga 'yan! States time kasi siya sa Las Vegas.

"We talked about music, what we looked for in songs, etcetera."

Continue reading below ↓

FAN-BOY MODE ON

Inusisa rin daw ni Lawrence si Wanya tungkol sa panahong naging back-up vocalist ito ni Michael Jackson sa History album ng huli.

"Then I asked him about his favorite memory with Michael Jackson, and I was so happy to hear him sharing personal stories. I’m sure the viewers love hearing it, too.

"I was in total fan-boy mode. Di ako makapaniwala na kausap ko ng one on one si Wanya Morris. Siya kasi ang pambato ng Boyz II Men."

Hindi raw niya akalaing magkakaroon ng katuparan sa panahon ng pandemya ang pangarap niya na makilala ang isa sa kanyang mga iniidolo sa pagkanta.

"And it was unreal that he said he’s been watching me, that I have one of the sweetest voices he’s heard in a long time! Ugh, dead!" ecstatic na pahayag ni Kris.

SURPRISE NUMBER

Tuloy daw ang kuwentuhan nina Kris at Wanya, hanggang sa biglang nag-request ito na kumanta siya ng live sa online show.

Continue reading below ↓

"He gave me tips, asked me my point of view on how I choose songs, and it really felt like we were just on a video call.

"Then the unexpected happened—he asked me to sing 'On Bended Knee' at 8 a.m.!

"I was so nervous kasi ang taas no’n, but I was just so happy to speak to one of my Top 3 musical influences."

A capella ang ginawang sample performance ni Kris, at aprubado ito ni Wanya.

Komento ni Wanya, "Yeah! There you go! That's a beautiful thing.

"All the love in the Philippines! They love our music, man. I truly appreciate it.

"And I'm glad Boy II Men can inspire you to do what do you, man."

NEVER GIVE UP ON YOUR DREAMS

Ang huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na mangarap ang payo ni Kris sa mga kabataan na may ambisyon pero pinanghihinaan ng loob.

Gusto ni Kris na maging halimbawa sa lahat ang kanyang karanasang makilala si Wanya, na kahit sa panaginip ay hindi niya inakala na matutupad.

Continue reading below ↓

Sino nga ba naman ang mag-iisip na mangyayari ang kanyang pangarap noong pitong taong gulang pa lamang siya?

At si Wanya pa mismo ang nag-initiate na makilala si Kris.

"A certain manifestation happened here. Aligned, e," deliriously happy na saad ni Kris.

"Tapos sa dulo, parang despite all the negative things happening around the world, there are a lot of positive things coming.

"I also wanted to inspire all the kids, aspiring singers, and artists to go get it kasi andiyan na lahat... All their inspirations are within reach."

Watch full video of Wanya's interview with Kris here:

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Lawrence (left) sings "On Bended Knee" during virtual meeting with his idol Wanya Morris (right) of Boyz II Men. On Wanya seeking an interview with him, Kris says, "A certain manifestation happened here. Aligned, e."
PHOTO/S: Screengrab from Wan Wednesday
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results