It's Showtime, balik-free TV

by Jojo Gabinete
Oct 10, 2020
It's Showtime on Channel 11
Bumalik na ngayong araw, October 10, sa free television ang It's Showtime sa pamamagitan ng Zoe TV Channel 11.
PHOTO/S: Screen grab from It's Showtime, ZBN Channel 11

Kapwa napaluha sa sobrang kaligayahan sina Anne Curtis at Kim Chiu.

Nagbabalik kasi ngayon, October 10, ang It’s Showtime sa free television sa pamamagitan ng ZoeTV Channel 11.

Live na napanood si Anne sa It’s Showtime mula sa Melbourne, Australia.

Nagbigay siya ng mensahe para sa kanyang mga kaibigan at kasamahan sa programa.

Anne Curtis on It's Showtime over at Channel 11.

Continue reading below ↓

“Grabe, nakakaiyak yung opening. I’m so happy about what’s happening and I’m so happy for my ABS-CBN family and Showtime family,” ang sabi ni Anne na kinumpirma na malapit na silang umuwi sa Pilipinas ng kanyang asawang si Erwan Heussaff at anak na si Dahlia.

Sampung buwan nang nananatili si Anne at ang pamilya niya sa Melbourne dahil dito niya isinilang si Dahlia noong March 2, 2020 at doon na rin sila inabutan ng lockdown na epekto ng coronavirus pandemic.

Tulad ni Anne, naging emosyunal si Kim, ang bagong co-host ng It’s Showtime dahil napapanood na uli ito at ang ibang mga programa ng ABS-CBN sa free TV.

“Sabi ko sa inyo, better days are here,” ang reaksyon naman ni Vice Ganda.

“Thank, God, it’s Zoe. Thank, God, It’s Showtime. Salamat po talaga Lord. It’s a beautiful day.

“Ang ganda ng mga linya kanina ng kanta na I can see clearly now, the rain is gone. This is the rainbow that I have been praying for,” ang sabi ni Vice tungkol sa opening song number niya, ang "I Can See Clearly Now," ang 1972 song ni Johnny Nash.

Continue reading below ↓

“Magkakasama tayo sa free TV na naman. Zoe, maraming-maraming salamat po talaga for making us a part of your home.

“This is our home now. Iniaalay natin itong araw na ito, itong araw ng pagdiriwang natin sa lahat ng mga Kapamilya natin sa buong mundo,” ang ilan sa mga pahayag ni Vice Ganda tungkol sa pagbabalik sa free television ng It’s Showtime.

Samantala, patuloy pa ring napapanood ang It's Showtime sa Kapamilya Channel at ibang platforms ng ABS-CBN.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bumalik na ngayong araw, October 10, sa free television ang It's Showtime sa pamamagitan ng Zoe TV Channel 11.
PHOTO/S: Screen grab from It's Showtime, ZBN Channel 11
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results