Masked Singer Pilipinas director, hindi threatened sa "Hide And Sing" ng It's Showtime

by Jojo Gabinete
Oct 10, 2020
Director John Paul Panizales wearing sungglasses.
“Lahat naman may free will to do what they want. Basta sa amin po, ang gusto lang namin ay makagawa ng isang quality show na mapagmamalaki nating mga Pinoy at makakasabay sa ibang franchise ng Masked Singer," tugon ni Direk John Paul Panizales nang tanungin tungkol sa "Hide And Sing" ng It's Showtime na diumano'y kumopya sa concept ng show niyang Masked Singer Pilipinas.
PHOTO/S: John Paul Panizales Facebook

Si John Paul Panizales ang direktor ng Masked Singer Pilipinas, ang reality singing competition television series ng Viva Television at TV5.

Kaya ang reaksyon niya ang hiningi ng Cabinet Files tungkol sa paratang na panggagaya ng It’s Showtime sa concept ng kanilang programa.

Sa October 24 pa ang pilot telecast ng Masked Singer Pilipinas pero “naunahan" na ito ng “Hide and Sing” ng It’s Showtime.

Inaakusahan ng pangongopya ang Kapamilya show dahil sa malaking pagkakahawig ng kanilang segment sa upcoming television show ng former It's Showtime co-host na si Billy Crawford.

“It’s okay po,” ang “unthreatened" na sagot ni JP (palayaw ni John Paul) nang makausap siya ng Cabinet Files tungkol sa isyu.

“Lahat naman may free will to do what they want. Basta sa amin po, ang gusto lang namin ay makagawa ng isang quality show na mapagmamalaki nating mga Pinoy at makakasabay sa ibang franchise ng Masked Singer.

Continue reading below ↓

“Like what our artists said sa presscon, sana matapos na yung mga walang kuwenta na battle of networks.

“Sana magtulungan na lang ang lahat sa industriya.

"Sana sa panahon ng pandemya, mas intindihin natin ang mga kababayan natin na mahatiran ng saya sa kanilang mga tahanan.

"Imbes na sirain ang diskarte ng isang kaibigan na nagnais lang naman na maghanap-buhay,” ang makahulugan pang pahayag ni JP.

Sa October 6 virtual presscon ng Masked Singer Pilipinas, nabanggit ni Billy at ng judges na sina Aga Muhlach, Matteo Guidicelli, Kim Molina, at Cristine Reyes na wala talaga silang alam tungkol sa tunay na katauhan ng labindalawang kalahok.

Pinatotohanan ito ni JP, “Properly trafficked po sa studio. Iniiwasan talaga na magkaaalaman kung sinu-sino sila.

"Even the cars of the contestants, hindi nakakapasok sa TV5.

"May mga sumusundo sa kanila on a specific spot then transfer on our own service.

“Pati sa shoots, magkakaiba ang calltime nila. Hindi talaga sila magkakakilala dahil iba-iba rin ang mga dressing room nila. Hindi pa sila nagkakatagpo-tagpo.

Continue reading below ↓

“Hindi sila nagsasalita while on backstage para walang makakarinig sa speaking voices nila.

"Lahat kami, even sa core group, pumirma ng confidentialty agreement.

“Sobrang higpit sa taping namin. Nakasuot kami ng PPE at talagang ipinagbabawal ang pagtatanggal ng facemask dahil may safety officer na nag-iikot,” ang paliwanag ni JP.

Talagang sobrang higpit daw ang pangangalaga sa identity ng contestants ng Masked Singer Pilipinas at sa health protocols na ipinatutupad sa TV5 studio sa tuwing may taping sila.

Nang itanong namin ang mga hamon sa kanya ng bagong programa niya, sumagot si JP ng, “Challenge po sa akin ang maraming restrictions.

“And even sa staff, marami ang nabawas sa normal na number.

"But I must say, we have the perfect team for this kind of show.

“Ang smooth ng taping namin. Parang matatagal na kami na magkakatrabaho, knowing that some of us ngayon lang nagkasama-sama.

"But I can say that I’m really proud of this show.

Continue reading below ↓

"One of the best talaga na nagawa ko so far!”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Lahat naman may free will to do what they want. Basta sa amin po, ang gusto lang namin ay makagawa ng isang quality show na mapagmamalaki nating mga Pinoy at makakasabay sa ibang franchise ng Masked Singer," tugon ni Direk John Paul Panizales nang tanungin tungkol sa "Hide And Sing" ng It's Showtime na diumano'y kumopya sa concept ng show niyang Masked Singer Pilipinas.
PHOTO/S: John Paul Panizales Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results