Eric Fructuoso, napikon na sa nude photos at indecent proposals sa kanya ng ilang female followers

by Jojo Gabinete
Oct 10, 2020
“Mga iha, uulitin ko...Magandang lahi, kaya ko ibigay... Pero magandang buhay? 'Tay tayo jan girl. Don't me," ang mensahe ni Eric Fructuoso sa ilan niyang female followers sa social media na nagpapadala sa kanya ng nude photos ng sarili nila at nag-i-indecent proposal.
PHOTO/S: Screen grab from Magandang Buhay

Ang mga indecent proposal at nude pictures na ipinadadala ng mga kababaihan via private message sa kanyang social media accounts ang nag-udyok kay Eric Fructuoso na magbigay ng babala sa mga sender dahil hindi na siya natutuwa.

“Mga iha, uulitin ko...

"Magandang lahi, kaya ko ibigay...

"Pero magandang buhay? 'Tay tayo jan girl. Don't me.”

Prangka ang mensahe ng 43-year-old actor sa mga kababaihan na inaakit siya at pinipilit na makuha ang kanyang atensyon.

Ang kanyang babala sa Facebook at ang mga natatanggap na indecent proposal ang aming napag-usapan ni Eric sa cellphone nitong Sabado nang hapon.

Continue reading below ↓

“Wala silang self-respect, ginaganyan-ganyan n’yo lang ako. Feeling n’yo?” ani Eric na tila nasagad na sa mga malalaswang mensahe at litrato na ipinadadala sa kanya.

“Akala porke artista, lalake... Yung iba kasi, yung dating nila, nangangati, naghahanap ng puwede..

“It’s either fake lang yan o poser o kaya yung iba, totoong account, naka-post yung mga picture nila. Makikita natin na matagal na sa social media.

“I admire their aggressiveness and assertiveness. What they want to get, they want to get.

"Pero siyempre, pagdating sa ganoon, if ever na ibibigay ko yung thought na puwedeng pumatol, unang-una, nakakatakot ang mga sakit.

“Pangalawa, baka tarantaduhin lang ako. Babaligtarin ako, blackmail and everything, kung halimbawang pumatol ako,” ang sabi ni Eric na hindi natutukso sa mga mapangahas na kababaihan na literal na inaakit siya at iniaalok sa kanya ang mga sarili.

“Saka may 15-year-old daughter ako. Yan ang number one wake up call.

Continue reading below ↓

"Kumbaga, kung ang tao, naniniwala sa karma, puwedeng i-consider yan.

“At the same, time, masarap yung wala kang iniisip, wala kang pinoproblema.

“Sa ngayon, may girlfriend ako. Kung gagawa ako ng kalokohan e di meron akong itinatago sa loob ko na guilt.

"Ang sarap ng wala kang iniintindi, wala kang problema, di ba?”

Dahil sa mga natatanggap na indecent proposal, natuto si Eric na i-block ang followers niya na may ibang motibo at bilang proteksyon sa sarili.

Naka-screenshot pa ang mga incriminating message para may matibay siya na ebidensya.

“Yung iba, bina-block ko, yung iba, hinahayaan ko lang.

"May time kasi na dinedma ko, kung anu-ano ang sinabi sa akin, stalker.

“Ini-screen shot ko nga [ang mga message].

"Ito kapag binaligtad ako, ipo-post ko yung mga message nila.

"Ako lang yata ang tao na never tumingin sa Tinder, never naging interesado sa mga ganoon.

"Mahirap, hindi lang sa karma, iniisip ko lang lagi, yung daughter ko.

Continue reading below ↓

“Isa pa, hindi ako easy to get. Alam naman natin ang value natin, kahit papaano,” ang katwiran ni Eric.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Mga iha, uulitin ko...Magandang lahi, kaya ko ibigay... Pero magandang buhay? 'Tay tayo jan girl. Don't me," ang mensahe ni Eric Fructuoso sa ilan niyang female followers sa social media na nagpapadala sa kanya ng nude photos ng sarili nila at nag-i-indecent proposal.
PHOTO/S: Screen grab from Magandang Buhay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results