Pastor Apollo Quiboloy tinanong si Bro. Eddie Villanueva kung papayagan ang homosexuality sa A2Z

by Jojo Gabinete
Oct 10, 2020
Pastor Apollo Quiboloy in white long sleeved shirt. Bro. Eddie Villanueva in coat.
"Papayagan ho daw ba ninyo na ipalalabas ang palabas na people who are espousing homosexuality and openly? Openly... this is on television promoting this," tanong ni Pastor Apollo Quiboloy (kaliwa) sa may ari ng A2Z Channel 11 na si Bro. Eddie Villanueva (kanan).
PHOTO/S: Pastor Apollo C. Quiboloy Facebook / Bro. Eddie C. Villanueva Facebook

Kung ang Zoe 11 ang television network na pag-aari ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord, ang SMNI News Channel (Sonshine Media Network International) ang broadcasting arm ni Pastor Apollo Quiboloy, ang television evangelist na founder ng Kingdom of Jesus Christ.

Dahil sa Zoe 11-ABS-CBN partnership, A2Z na ang pangalan ng television station ni Villanueva.

Ito na ang bagong tahanan ng mga programa ng Kapamilya Network na nagsara nang pagkaitan ito ng Kongreso ng prangkisa noong July 10, 2020.

Si Quiboloy ang host ng Give Us This Day na napapanood sa SMNI mula Lunes hanggang Biyernes.

Sa October 9 telecast ng kanyang programa, hiningi ng isang viewer ang reaksyon niya tungkol sa airing ng It’s Showtime sa television station na pag-aari ng isang religious community.

"Okey lang po ba na ipalabas sa TV o i-tolerate ang homosexual activity ni Vice Ganda sa isang religious TV Channel?” ang tanong kay Quiboloy ng concerned viewer.

Continue reading below ↓

"Tanungin natin si Bro. Eddie Villanueva kung ano ang masasabi niya rito,” ang sagot ni Quiboloy.

Nagkaroon noon (November 2019) ng isyu si Quiboloy kay Vice Ganda dahil sa hamon ng It's Showtime host na ipahinto ng religious leader ang traffic sa EDSA, pati na ang primetime action drama series ni Coco Martin na Ang Probinsyano.

"Kasi kung lalabas diyan si Vice Ganda o ang ABS-CBN, may mga show na ganyan, ito-tolerate ba ng isang nagmamay-ari, ng isang religious leader, nagmamay-ari ng isang istasyon na papayagan ba niyang yan ay ipalabas sa kanya na parang you are espousing homosexuality which is against the faith that you are preaching?” ang malumanay na pahayag ni Quiboloy.

“Sa kanya natin iyon itanong.

"Kung ako ang may-ari niyan, puwede kong ipaarkila pero may kasulatan na gagawin: 'Do not promote this here,'" tukoy ni Quiboloy sa homesexuality.

"Tulad sa SMNI, mag-advertise ka, pero walang vices. Food products pwede, pero sin products, hindi pwede.

Continue reading below ↓

"Sin products, hindi pwede yan sa SMNI, pero food products okey yan o ano pa yang produkto.

"It does not go against our principle of obedience to the will of the Father,” paliwanag ni Quiboloy.

Pag-uulit niya pa sa tanong ng viewer, tanging si Bro. Eddie ang makakasagot dito.

“Kung ako yung may-ari. Hindi naman ako yung may-ari ng Channel 11, so sa kanya natin itanong.

"O, Brother Eddie, maraming nagtatanong, papayagan ho daw ba ninyo na ipalalabas ang palabas na people who are espousing homosexuality and openly?

"Openly... this is on television promoting this.

"So intayin natin ang sagot ni Bro. Eddie diyan.

"Ako, alam n’yo na ang sagot ko,” patuloy pa ni Quiboloy.

Live na napanood ngayong Sabado, October 10, sa A2Z ang It’s Showtime.

Maligayang-maligaya ang lahat ng mga host sa pagbabalik sa free television ng kanilang programa kaya pinasalamatan ni Vice Ganda si Bro. Eddie at ang mga executive ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

At dahil ang Jesus Is Lord ang may-ari ng Channel 11 at dahil sa pahayag ni Quiboloy, hindi imposible kung tututukan ng mga moralista ang bawat kilos at pananalita ni Vice Ganda sa It’s Showtime.

Lalo pa’t kasama niya sa programa ang kanyang boyfriend na si Ion Perez.

Noong napapanood pa ang It’s Showtime sa ABS-CBN, malayang-malaya sina Vice Ganda at Ion sa pagpapakita ng kanilang pagmamahalan sa national television.

Tila mahihirapan silang gawin ito sa A2Z dahil baka ito pa ang maging mitsa para magprotesta ang mga miyembro ng Jesus Is Lord.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Papayagan ho daw ba ninyo na ipalalabas ang palabas na people who are espousing homosexuality and openly? Openly... this is on television promoting this," tanong ni Pastor Apollo Quiboloy (kaliwa) sa may ari ng A2Z Channel 11 na si Bro. Eddie Villanueva (kanan).
PHOTO/S: Pastor Apollo C. Quiboloy Facebook / Bro. Eddie C. Villanueva Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results