Singer-Actress, pinapauwi sa "lovenest" nila ang ex-boyfriend na siniraan sa publiko

by Jojo Gabinete
Oct 11, 2020
Kahit na naging maeskandalo ang paghihiwalay nila, tila mahal pa rin ni Singer-Actress ang kanyang siniraang ex-boyfriend.

Mahal pa rin ni Singer-Actress si Ex-Boyfriend na siniraan nito sa publiko at naging dahilan para tuluyan silang magkahiwalay.

Nang hindi na bumalik si Ex-Boyfriend sa poder ni Singer-Actress, isa-isang ibinenta nito ang mga personal na gamit ng former live-in partner niya.

Nang malaman ni Ex-Boyfriend ang pagbebenta ng ex-girlfriend, nagpadala siya ng text message na ibalik na lamang sa kanya ang mga gamit na naiwan sa tahanan na naging saksi noon sa pagmamahalan nila.

Hindi inaasahan ni Ex-Boyfriend ang reaksyon ni Singer-Actress—itinanong nito kung kailan siya uuwi sa kanilang “ lovenest” na parang walang gulo na nangyari sa pagitan nila.

Wala nang balak si Ex-Boyfriend na balikan si Singer-Actress dahil tuluyan nang nawala ang respeto at pagmamahal niya rito.

Bukod sa matinding paninira na ginawa ng ex-girlfriend, walang katotohanan ang mga paratang nito laban sa kanya.

Kahit hiwalay na sila, kasundo pa rin ni Ex-Boyfriend ang mga kamag-anak ni Singer-Actress.

Continue reading below ↓

Marami tuloy ang may duda na si Singer-Actress talaga ang may pagkukulang at problema dahil hindi nagtatagal ang mga relasyon niya na madalas na nagwawakas sa mga eskandalo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit na naging maeskandalo ang paghihiwalay nila, tila mahal pa rin ni Singer-Actress ang kanyang siniraang ex-boyfriend.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results