Rep. Alan Peter Cayetano, ikinumpara sa noontime show ang pagpapatalsik sa kanya bilang House Speaker

by Jojo Gabinete
Oct 12, 2020
Congressman Alan Peter Cayetano (left) on being replaced by Congressman Lord Allan Velasco (right) as House Speaker: "Never in the history of the Philippines ganitong kababoy ang ginawa sa Kongreso. Never, never!"
PHOTO/S: Facebook

Ipinagpaliban namin ang palipat-lipat na panonood ng noontime shows na Eat Bulaga! ng GMA-7, It’s Showtime ng A2Z Channel 11, at Happy Time ng NET 25 nitong Lunes ng tanghali, October 12.

Ito ay dahil mas nakakaaliw panoorin ang nangyari sa House of Congress—ang paghahalal ng 186 house representatives kay Marinduque Congressman Lord Allan Velasco bilang bagong Speaker of the House sa session na naganap sa Celebrity Sports Plaza at may live coverage.

Hindi naman nagpatalo si Taguig First District Representative Allan Peter Cayetano, na ayaw bumaba sa puwesto sa kabila ng gentleman’s agreement nila ni Velasco sa term-sharing bilang House Speaker.

Ang pagkakaiba lang, kung may TV coverage ang mga pangyayari sa Celebrity Sports Plaza, napanood lamang sa Facebook account ni Cayetano ang live na pagtuligsa nito sa insidente.

Tinawag niya itong pambababoy ni Velasco at ng mga kongresista sa institusyon.

And true enough, ikinumpara ni Cayetano ang pangyayari sa It’s Showtime at sa Eat Bulaga! dahil noontime nang maganap ang pagpapatalsik sa kanya sa puwesto ng "honorable colleagues" niya.

Continue reading below ↓

Saad niya, "I hope we have a boring but successful budget hearing tomorrow.

"But if they’re going to make it entertaining, baka for the first time in history, tatalunin ng House ang ratings ng Eat Bulaga! at Showtime.

"But remember, Congress is not a noontime show. Congress is not here for entertainment.

"Congress is not a circus. This is the house of the people. Yun lang sana.

"Sana kapag matulog sila tonight, yun lang ang isipin nila.

"Gusto nila ng noontime show, may pupuntahan sila. Gusto nila ng circus, hindi ko alam kung may perya na open ngayon.

"Pero [kung] gusto nila ng budget, welcome na welcome sila dito," pahayag ni Cayetano.

Iginiit ni Cayetano na siya pa rin ang House Speaker dahil sa 205 house representatives na pumirma sa manifesto na manatili siya sa puwesto.

HUSBAND AND WIFE IN CONGRESS

Sa umpisa ng kanyang press briefing, sinabi ni Cayetano na hindi siya nagsisising pumasok sa opisina niya sa Kongreso kahit may COVID-19 pandemic.

Continue reading below ↓

Kung may regret man siya, ito raw ay ang madalas na kasama niya ang kanyang asawa—si Taguig City District 2 Representative Lani Cayetano.

"Ang regret ko lang po, kasama ko ang asawa ko parati because she’s a member of Congress.

"Kung puwede lang, sa bahay lang muna siya para isa man lang sa aming dalawa ay safe, e.

"Kaya lang, may agreement kami na ang all for one, one for all, and she also represents a district,” ani Cayetano.

Dapat siguro paalalahanan si Cayetano na ginusto nila ng kanyang asawang kumandidato bilang mga kongresista sa magkaibang distrito ng Taguig City, na kinukuwestiyon noon dahil mahirap paniwalaang mag-asawa sila pero nakatira sa magkahiwalay na tahanan at distrito kaya hindi siya dapat makaramdam ng pagsisisi.

HOUSE SPEAKER

Nang tanungin tungkol sa deklarasyon ng mga kakampi ni Velasco na bakante ang Speakership, ito ang sagot ni Cayetano:

"They can declare the world ending today, but their session is nothing more than a social bluff na nag-violate din ng IATF rules.

Continue reading below ↓

"Ilang country club na ang isinara dahil sa pag-violate ng rules? So, sila ang rule makers pero sila din ang rule breakers.

"They can do that tomorrow after the budget, why do they have to do it now? Anong gulo ang gusto nila?

"Kung valid ‘yon, banana republic na tayo.

"If I can somehow get a 152 to meet in another country club tomorrow, yung ipapasa ko doon, magiging valid?

"What if I meet in somewhere with 152 and passed the bill for the budget, tatanggapin ng Senate yung budget na ‘yan?

"I don’t want to go to all the legalities, we have lawyers in the group, but this is unprecedented.

"Never in the history of the Philippines ganitong kababoy ang ginawa sa Kongreso. Never, never!

"But for them to say that’s an official session, I don’t think it ever happened in the world.

"So it would be a part of the Guinness Book of World Records na pinakapambababoy sa isang legislature. Nakakahiya!"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Congressman Alan Peter Cayetano (left) on being replaced by Congressman Lord Allan Velasco (right) as House Speaker: "Never in the history of the Philippines ganitong kababoy ang ginawa sa Kongreso. Never, never!"
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results