Pinoy na si Maria Diane Ventura, nanalong Best Director sa 5th Calella Film Festival

by Jojo Gabinete
Oct 12, 2020
Pinoy director na si Maria Diane Ventura (left), halos speechless nang hiranging Best Director sa 5th Calella Film Festival sa Spain para sa pelikula niyang Deine Farbe. Nag-uwi rin ng acting awards ang mga bida na sina Nyamandi Adrian (upper right photo, left) and Jannik Schümann (right).
PHOTO/S: Maria Diane Ventura

Millor direccio o Best Direction ang parangal na natanggap ng Filipino filmmaker na si Maria Diane Ventura mula sa 5th Calella Film Festival na naganap noong October 2 –October 10, 2020.

Nagwagi si Ventura para sa direksyon niya sa Deine Farbe (German phrase for Your Color), ang pelikulang pinagbibidahan ng German actors na sina Jannik Schümann and Nyamandi Adrian.

Official entry ang Deine Farbe sa Low Budget Films category ng 5th Calella Film Festival.

Itinanghal ding mga pinakamahusay na aktor sina Schümann at Adrian para sa pagganap nila sa Deine Farbe sa awards and closing ceremony na ginanap noong October 10 sa Calella, Spain.

Sa gitna ng coronavirus pandemic, lumipad si Ventura sa Spain para dumalo sa 5th Calella Film Festival pero hindi niya inaasahang mananalo ang kanyang pelikula.

Halos hindi makapagsalita si Ventura nang tawagin ang pangalan niya bilang pinakamahusay na direktor dahil hindi nga siya umasang magwawagi.

Sabi niya sa kanyang acceptance speech: "I wasn’t expecting this. I didn’t prepare anything but I’m very grateful because I have met the jury and the fantastic team last night.

Continue reading below ↓

"I had the honor and privilege to meet everyone.

"To be acknowledged and appreciated by fellow brilliant filmmakers is really…

"I’m very grateful that these brilliant minds were able to appreciate a film…my first film.

"Thank you very much for having us here. I am very happy and very grateful."

Hindi ito ang unang pagkakataon na kinilala ang husay ni Ventura bilang direktor ng Deine Farbe.

Nanalo na rin siyang Best Woman Filmmaker and Best Feature sa Vegas Film Awards ng Las Vegas noong Februay 2020.

Sa October 15, 2020, ang Deine Farbe ay napili ring opening film sa World feature banner ng 11th Soho International Film Festival New York City.

Ang Deine Farbe ay tungkol sa dalawang matalik na magkaibigan na nagtungo sa Barcelona para hanapin ang kanilang kapalaran.

Dino-document nila ang kanilang day-to-day adventures sa pag-asang balang araw ay maging boses sila ng kanilang henerasyon.

Pero may twist ang istorya kunsaan isang sikreto ang nagbabadyang sumira sa kanilang pangarap.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy director na si Maria Diane Ventura (left), halos speechless nang hiranging Best Director sa 5th Calella Film Festival sa Spain para sa pelikula niyang Deine Farbe. Nag-uwi rin ng acting awards ang mga bida na sina Nyamandi Adrian (upper right photo, left) and Jannik Schümann (right).
PHOTO/S: Maria Diane Ventura
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results