Glydel Mercado at Tonton Gutierrez, halos isang buwan nang di nagkikita dahil sa lock-in taping

by Jojo Gabinete
Oct 15, 2020
Dahil sa lock-in taping ng kani-kanilang teleserye sa ABS-CBN, halos isang buwan nang hindi nagkikita ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado. Si Tonton ay nasa cast ng Walang Hanggang Paalam, habang si Glydel naman ay kabilang sa Bagong Umaga.
PHOTO/S: Instagram

Halos isang buwan nang hindi nagkikita ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado dahil sa lock-in taping nila para sa mga drama series ng ABS-CBN.

Umalis si Tonton noong September 28 para sa taping ng Walang Hanggang Paalam sa Subic, Zambales. Sa October 20 pa ang balik niya sa Metro Manila.

Naging busy naman si Glydel sa Bagong Umaga shoot mula noong October 1 hanggang October 13. Pero may taping pa siya sa susunod na buwan para sa drama series ng ABS-CBN na may pilot telecast sa October 26.

Naka-check in ang cast ng Bagong Umaga sa isang hotel sa North Avenue, Quezon City. Kaya mahirap para sa nanay na kagaya ni Glydel na mapalayo sa dalawang anak nila ni Tonton sa panahon ng coronavirus pandemic.

"Mahirap din, pero lagi akong nagpe-Facetime sa mga anak ko kasi exams week ng bunso ko at siyempre, palagi kong kinukumusta kung okey sila," kuwento ni Glydel nang makausap siya ng Cabinet Files, sa pamamagitan ng Facebook direct messaging, ngayong Huwebes ng gabi, October 15.

Continue reading below ↓

Kontrabida ang role ni Glydel sa Bagong Umaga. Siya ang gumaganap na adoptive mother ni Kiko Estrada, pero may dahilan ang pagiging masama niya.

SHOOTING INSIDE ABS-CBN COMPOUND

Dahil sa lock-in taping, mabilis ang trabaho ng cast at production crew dahil nakatulong na kinunan ang lahat ng mga eksena ng Bagong Umaga sa ABS-CBN compound.

Hindi ito inilihim ng direktor na si Carlo Po Artillaga.

"Believe it or not, ginawa namin lahat ‘yan sa iisang lugar lang, so it was a challenge.

"It was a challenge to create those sets and make it look believable, pero yun ang secret doon. Iisang lugar lang lahat ‘yan.

"It’s not a real soundstage, believe it or not.

"Naka-lock in kami sa ABS-CBN. And bawat ang sulok ng opisina namin, hinanapan namin ng magandang anggulo at doon namin inilagay ang market place, ang community nila, 'tapos ospital.

"Na-utilize namin ang bawat lugar ng ABS-CBN and I am glad to hear na napaniwala namin kayo na totoong lugar ‘yon," rebelasyon ni Carlo tungkol sa makatotohanang set na ginamit nila ng kanyang co-director na si Paco Sta. Maria sa Bagong Umaga.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa lock-in taping ng kani-kanilang teleserye sa ABS-CBN, halos isang buwan nang hindi nagkikita ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado. Si Tonton ay nasa cast ng Walang Hanggang Paalam, habang si Glydel naman ay kabilang sa Bagong Umaga.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results