Albert Martinez sumagi sa isip ang magretiro sa showbiz dahil sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Oct 19, 2020
Inamin ni Albert Martinez na pumasok sa isip niyang magretiro na sa pag-arte dahil sa COVID-19. "Parang iba na yung timpla ng industry," aniya.
PHOTO/S: Albert Martinez on Facebook

Ipinagtapat ni Albert Martinez na pumasok sa isip niyang magretiro na sa pag-arte dahil sa coronavirus pandemic.

Ikinuwento ni Albert ang dilemma niya sa Sunday afternoon story conference ng Philippine adaptation ng South Korean melodramatic erotic thriller na The Housemaid ng Viva Films.

"Actually, nung nag-start itong lockdown, nung nagkaroon tayo ng pandemic, ang iniisip ko noong una, paano tayo makaka-recover?

"Kasi nga yung theaters, wala nang pupunta because nga takot yung mga tao na manood ng sine, like yung nangyayari sa U.S.

"'Tapos taping, papaano? Papaano yung mga eksena niyo na medyo intimate?

"So hindi ko talaga ma-comprehend papaano tayo makababalik sa ganitong situation,” ang mga agam-agam ni Albert.

Forty years nang umaarte si Albert, kaya ramdam niya ang epekto na mga pagbabagong dulot ng COVID-19.

Nabanggit na nga niya ito sa business manager niyang si Shirley Kuan.

Sa pagpapatuloy ng aktor, "I was telling nga Shirley, baka time for me to retire kasi parang iba na yung timpla ng industry, and hindi ko makita yung how it will recover..."

Continue reading below ↓

But just when he was about to make such a life-changing decision, "here it comes, in-offer sa akin itong project na ito," ang sabi ni Albert sa Cabinet Files.

Nung nalaman niya ang mga detalye ng pelikula, "shocked" daw siya.

"Paano gagawin iyan? In-explain naman sa akin yung bagong protocol ngayon. How to do it with very strict guidance with DOH.”

Nabuhayan ng loob ang aktor, at natuwa rin siya dahil nakatanggap siya ng alok na magbida sa isang malaking pelikula sa panahong mahirap magkaroon ng trabaho ang mga artista.

"So I’m very excited, matagal na akong hindi gumagawa ng pelikula. The last time, major film na ginawa ko was siguro early 2000.

"More on soap opera ako for the last fifteen years, so I’m very glad na kahit may pandemic at kahit may situation tayo, makakabalik ako sa original love ko which is film."

Handang-handa na si Albert para sa unang araw ng shooting niya para sa kanyang comeback movie, pero hindi maiiwasan na magkaroon pa rin siya ng mga pangamba dahil sa tema ng The Housemaid.

Continue reading below ↓

"It’s borderline erotic, borderline risqué, and hindi ko ma-imagine at first how we are going to do it.

"But then again, with the magic of film, with the magic of the attack or approach of the director, we can get a similar result without compromising everyone’s health, so I believe it will work.

"We’re working with very good actors and I’m very confident.

"We have a very good lead actress, si Kylie Versoza.

"I’m sure, we can come up with something powerful. We can come up with something believable and yet, we can get away with it, with all the magic of film."

Nang tanungin naman tungkol sa kanyang pagbabalik sa telebisyon, "very soon,” ang sagot ni Albert na dinagdagan nito ng "happy to be back.”

Malinaw na pahiwatig ng 59-year-old star na may bagong kabanata sa kanyang acting career.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inamin ni Albert Martinez na pumasok sa isip niyang magretiro na sa pag-arte dahil sa COVID-19. "Parang iba na yung timpla ng industry," aniya.
PHOTO/S: Albert Martinez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results