PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mas intense ba ang battle of daily noontime shows sa launch ng Lunch Out Loud sa TV5

Dalawang shows ang naging competitive.
by Jojo Gabinete
Published Oct 19, 2020
Sa pagpasok ng Lunch Out Loud sa noontime block ng TV5 (R, bottom), nag-live broadcast ang It's Showtime (L, top), habang business as usual ang mode ng Eat Bulaga! (R, top) at Happy Time.
PHOTO/S: @charlesxmchrd on Instagram; PR

Habang nagpapaligsahan ang mga game segment ng Lunch Out Loud ng TV5 at It’s Showtime ng A2Z, ang santambak at mahabang commercial loads ng Eat Bulaga! ang kasabay nila.

Hindi nag-effort ang Eat Bulaga! na sumali sa kumpetisyon ng mga noontime show dahil ang mga Drag Queen sa "Bawal Judgmental" ang itinapat nila sa It’s Showtime at Lunch Out Loud.

Business as usual din sa Happy Time ng Net25.

Gaya ng nangyari kahapon, October 18, ng ASAP Natin ‘To sa pilot telecast ng Sunday Noontime Live ng TV5, sineryoso at pinaghandaan ng It’s Showtime ang initial telecast ngayon, October 19, ng Lunch Out Loud, ang bagong noontime show ng Kapatid network.

Live ang Monday edition ng It’s Showtime laban sa pre-taped program ng Lunch Out Loud, na nag-umpisa sa pamamagitan ng mahaba na monologue ni Billy Crawford na dating co-host ng noontime program ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinuportahan kahapon ni ABS-CBN executive Cory Vidanes ang ASAP Natin ‘To dahil present siya sa studio, at ganito rin ang kanyang participation ngayon sa It’s Showtime.

Si Martin Nievera ang isa sa mga itinapat ng It’s Showtime sa Lunch Out Loud dahil ang Concert King ng Pilipinas ang celebrity contestant sa "Hide and Sing," ang segment na malaki ang pagkakatulad sa concept ng Masked Singer Pilipinas, ang Saturday night show ng TV5 at Viva Television na mag-uumpisa sa October 24.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Simula ngayon, apat na ang mga noontime show sa telebisyon, ang Lunch Out Loud, It’s Showtime, Happy Time, at ang Eat Bulaga!

Pero nakasentro ngayon ang atensiyon ng karamihan sa mga pang-tanghali na programa ng TV5 at A2Z dahil nanggaling sa Kapamilya network ang mga host ng Lunch Out Loud.

Co-hosts ng noontime show ng TV5 ang mga dating Kapamilya stars na sina Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Wacky Kiray, at K Brosas.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pagpasok ng Lunch Out Loud sa noontime block ng TV5 (R, bottom), nag-live broadcast ang It's Showtime (L, top), habang business as usual ang mode ng Eat Bulaga! (R, top) at Happy Time.
PHOTO/S: @charlesxmchrd on Instagram; PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results