Ang Sisterakas (2012) ang unang comedy movie ni Vice Ganda na naging official entry sa 38th Metro Manila Film Festival.
Mula 2012 hanggang 2019, hindi na nawalan si Vice ng pelikula na kasali sa MMFF na namayagpag nang husto sa box office.
Pero tila mapuputol ngayong 2020 ang lucky streak ni Vice sa MMFF dahil baka hindi umabot sa deadline ang Praybeyt Benjamin 3, na co-production venture ng Star Cinema at Viva Films.
Hindi pa nagsisimula ang shooting ng third installment ng Praybeyt Benjamin dahil sa mga safety protocols na kailangan sundin, pati na ang lock-in filming.
Ang pelikula ni Vice ang isa sa first four entries na pumasok sa Filipino-films-only December festival.
Sa November 30 ang deadline para sa first four entries na napili based on approved scripts.
Sa October 15 naman ang deadline para sa finished film submissions, kunsaan kukuha ng entries na kukumpleto sa Magic 8 o eight official entries para sa MMFF.
KIM MOLINA AND JERALD NAPOLES'S MOVIE
Malaki naman ang posibilidad na isali ng Viva Films sa 45th edition ng MMFF sa December 2020 ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam, na pinagbibidahan ng real-life lovers na sina Kim Molina at Jerald Napoles.
Kilala sa uniname na KimJe, ang dalawa rin ang bida sa #Jowable, ang surprise blockbuster movie noong 2019.
Isang nakapanood sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam ang nagsabi na kung ikukumpara sa #Jowable, mas maganda ang kuwento at higit na mahusay ang performance nina Kim at Jerald sa kanilang pangalawang pelikula.
Malaki raw ang posibilidad na maging top-grosser ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam at manalo ng acting awards ang mga artista ritong sina Kim, Jerald, at Candy Pangilinan, kung sakaling mapili ito bilang MMFF entry.
Si Darryl Yap ang sumulat ng kuwento at direktor ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam.
Patutunayan daw ni Darryl na hindi lamang tsamba ang success ng #Jowable dahil sa husay niya bilang direktor sa kanyang second movie project na sobrang hilarious daw pero may kurot sa puso.
Tiyak na magpapaiyak daw ito sa audience tulad ng Philippine adaptation ng Miracle In Cell No.7, ang topgrosser ng 2019 MMFF.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika