PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kylie Verzosa, mas pabor sa lock-in shooting: "Wala nang travel time."

Kylie Verzosa, sunud-sunod ang trabaho pagkatapos mabakante ng ilang buwan.
by Jojo Gabinete
Published Oct 29, 2020
Kylie Verzosa on lock-in taping: "Yung biyahe, nakakapagod. Pero kapag lock in, twelve to fourteen hours lang yung shoot. Mas madali para sa mga artista dahil hindi mo rin nabibitawan yung character mo, especially kung mabigat."
PHOTO/S: Instagram

Ilang buwang namalagi si Kylie Verzosa sa kanyang condominium unit dahil sa enforced quarantine.

Pero nasulit ang matagal na paghihintay niyang muling makapagtrabaho dahil sunud-sunod ang kanyang mga assignment.

Kabilang dito ang mga pelikulang Parang Kayo Pero Hindi at The Housemaid, at ang horror-comedy TV series na Ghost Adventures na mapapanood sa TV5 tuwing Sabado, simula sa October 31, 6 p.m. to 7 p.m.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lock-in shoot system ang lahat ng mga project ni Kylie, pero pabor sa kanya dahil madali ang trabaho at malaki ang natitipid niya sa oras.

Saad ng Miss International 2016, "Para sa akin, mas madali ang new normal shoot dahil usually ang mga location namin, one to two hours away. So, magigising ka ng 3, 4, 5 a.m. para lang makapunta sa set.

"Yung biyahe, nakakapagod. Pero kapag lock in, twelve to fourteen hours lang yung shoot.

"Mas madali para sa mga artista dahil hindi mo rin nabibitawan yung character mo, especially kung mabigat.

"Magigising ka na lang, aayusan, nasa set ka na.

"Wala nang travel time. Nakakapagod talaga yung travel time for me.

"Mas gusto ko yung lock-in taping, mas masaya na nakakasama ang cast."

Ginagampanan ni Kylie ang role ng love interest ni Marco Gumabao, na special guest sa pilot episode ng second season ng Ghost Adventures.

Ang taping para sa Ghost Adventures ang unang trabaho ni Kylie matapos ipatupad ang quarantine sa Metro Manila, kaya naging magaan ang lahat para sa kanya dahil masaya sila ng mga co-stars niya sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang na-enjoy ko lang yung company nila sa set.

"Saka yun din ang unang beses na nag-work ako out of quarantine so excited talaga ako na magtrabaho.

"Nung malaman ko na kasama si Kuya Benjie [Paras], si Empoy [Marquez], si Andrew Muhlach, at ibang cast members, sobrang swak, light lang yung feel ng set.

"So, na-enjoy ko talaga yung two week-taping namin," sabi ni Kylie.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Verzosa on lock-in taping: "Yung biyahe, nakakapagod. Pero kapag lock in, twelve to fourteen hours lang yung shoot. Mas madali para sa mga artista dahil hindi mo rin nabibitawan yung character mo, especially kung mabigat."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results