Tumatanggap ng mga batikos ang Miss Universe Philippines 2020 candidate na si Sandra Lemonon dahil sa banta nitong ibubunyag ang mga katotohanan sa mga nangyari sa beauty pageant na kanyang sinalihan.
Halos isang linggo na ang nakararaan mula nang maganap noong October 25 ang grand coronation ng Miss Universe Philippines 2020 sa Baguio City, pero naghihintay pa rin ang beaucon fans sa mga pasabog ni Lemonon na hindi pabor sa tagumpay ni Rabiya Mateo, ang newly crowned beauty queen.
Pang-unawa naman para sa naging aksyon ni Sandra ang hinihingi ng kanyang mga nagmamalasakit na kaibigan.
Hindi kasi madaling tanggaping muling natalo sa pangatlong pagkakataon ang aspiring beauty queen.
Bago ang Miss Universe 2020, sumali at natalo rin si Sandra sa Miss World Philippines 2016 at Binibining Pilipinas 2018.
Sa interbyu sa kanya sa final screening ng Miss Universe 2020 noong January 2020 sa Empire Studios, Uptown Mall, Taguig City, mismong si Sandra ang nagtapat na dumanas siya noon ng depression at anxiety kaya passionate siya bilang advocate ng mental health.
"I’ve been struggling with depression and anxiety before, so when I did my first pageant, I realized that I had stage fright.
"Around two years ago, I’ve been being more self aware and been trying to see how I can manage it.
"It’s not something that a lot of people share about ‘coz you kinda don’t want to share the skeleton inside of yourself and look inside of yourself.
"So I’ve been venturing or trying to do things that will help me, like yoga or things that would make me aware about the things I cannot actually put out.
“That’s why I’m joining so I can promote this advocacy. But at the same time, be most authentic to myself, to be confident.
"I want to be more than just a face. That’s what I really want and I think that’s really important nowadays because, of course, beauty is… we’re in a beauty pageant," paliwanag ni Sandra sa dahilan ng pangatlong beses na pagsali niya sa beauty contest.
Dagdag pa niya, "Beauty’s gonna fade, so the most important thing is for people to remember who you are and what you did for other people."
Nagkatotoo ang kanyang sinabi nang magsalita siya laban sa resulta ng Miss Universe Philippines 2020 dahil nagmarka siya sa isip ng publiko.
Aniya pa, "There’s so many things that I’ve learned from the past two years ago and, that time, I feel like my mental state was not one hundred percent ready.
"This year, I feel like I am more way prepared. My mental state is very aligned."
Nangangamba ang ilang mga kaibigan ni Sandra na baka muling dumanas ng depression ang aspiring beauty queen dahil sa mga batikos at panghuhusga ng mga taong kinokondena ang pagbabanta niyang ilalabas ang mga injustice na naganap umano sa Miss Universe Philippines 2020.
Kaya nakikiusap ang mga kaibigan ni Sandra na unawain siya nang lubusan.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika