Eliminated sa second week ng Masked Singer Pilipinas ng TV5 ang True Faith vocalist na si Meds Marfil.
Hindi nahulaan at nabosesan ng judge detectives na sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Kim Molina, at Matteo Guidicelli si Meds dahil sa kanyang syokoy costume.
Si Meds ang nakakuha ng pinakamababang bilang ng boto mula sa judge detectives at Masked Universe kaya siya ang tinanggalan ng maskara at nagpaalam sa Masked Singer Pilipinas.
Gulat na gulat si Aga nang mag-alis si Meds ng maskara dahil hindi niya nabosesan ang singer na madalas dumadalaw noon sa set ng Oki Doki Doc sitcom niya sa ABS-CBN.
"Pumapasyal siya, 'tapos lahat ng tugtog mo, pinakinggan namin lahat," reaksiyon ni Aga, na nasorpresa nang makita niya si Meds.
Ang mga CD na hawak ni Meds ang clue tungkol sa kanyang identity dahil naging multiplex singer siya noon ng mga kanta ni Basil Valdez, pero hindi siya nahulaan ng judge detectives.
"When I was invited, sabi ko it’s a different thing, kasi I’ve never done role-playing onstage.
"I’ve never done theater so sabi ko this will be a nice thing.
"Siyempre, yung mga idol natin, like sina Elton John and David Bowie, they like role-playing onstage.
"Sa True Faith, we never do that.
"When I did the rehearsals dito, iba yung feeling if you take on a different identity," sagot ng pawisang si Meds nang tanungin siya ni Masked Singer Pilipinas host Billy Crawford tungkol sa karanasan niya bilang masked celebrity contestant.
Postscript: Sa pilot episode ng Masked Singer Pilipinas noong October 24, si Kris Lawrence ang hula ng karamihang nasa likod ng maskara ni 2-2-B.
Walang kinumpirma o itinanggi si Kris nang makausap siya ng Cabinet Files tungkol sa hinala ng publiko, pero ikinagulat niya ang mga mensaheng natanggap mula sa mga taong naniniwala na siya si 2-2-B sa The Masked Singer Pilipinas.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika