PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

39th birthday ni Coco Martin, nataon sa pananalasa ni Rolly at pagdating ni Siony

Rolly at Siony, hindi kayang pigilan ni Cardo Dalisay.
by Jojo Gabinete
Published Nov 1, 2020
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-39 na kaarawan ng Ang Probinsyano star na si Coco Martin ang paghagupit ng bagyong Rolly. Kahit unstoppable ang karakter niyang si Carlo Dalisay ay hindi nito mapipigilan ang pananalasa ng super typhoon.
PHOTO/S: Instagram

Ngayong araw, November 1, ang 39th birthday ni Coco Martin.

Isa ito sa mga kaarawan niyang mahirap makalimutan dahil kay Typhoon Rolly, ang tinatayang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong 2020.

May bitbit itong malakas na hangin at ulan sa Bicol region, Metro Manila, at sa maraming bahagi ng bansang nagdulot ng mga pagbaha at pagkawasak ng mga ari-arian.

Unstoppable ang Cardo Dalisay character ni Coco sa FPJ's Ang Probinsyano na patuloy namamayagpag sa telebisyon sa kabila ng pagbawi sa franchise ng ABS-CBN.

Pero ang pagpapahinto kay Super Typhoon Rolly ang isang hindi magagawa ng immortal na pagkatao ni Cardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Really unforgettable ang kaarawan ni Cardo dahil nadagdag sa alalahanin ng mga Pilipino ang kumpirmasyon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na pumasok na rin sa Philippine area of responsibility ngayong umaga, 8 a.m., si Tropical Storm Siony.

Si Siony ay may international name na Atsani.

Bukas pa, November 2, ang inaasahang pagpasok ni Siony sa Pilipinas, pero napaaga ang pagdating niya.

Kaya ibayong pag-iingat ang nararapat gawin ng lahat dahil sa kambal na kalamidad na bumisita sa ating bansa.

Ito ang pinakabago at Severe Weather Bulletin ng PAGASA tungkol kay Siony, na tila pinaiksing pangalan ng probinsyano:

"'SIONY' entered the PAR at 8:00 AM today. It is forecast to move generally northwestward until Monday evening, then slowly west-southwestward by Tuesday.

"It remains less likely to affect any portion of the country over the next 2 to 3 days.

"Location of eye/center: At 10:00 AM today, the center of Tropical Storm 'SIONY' was estimated based on all available data at 1,365 km East of Central Luzon (16.0°N, 134.3°E).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Strength: Maximum sustained winds of 75 km/h near the center and gustiness of up to 90 km/h. Movement: Moving West Northwestward at 30 km/h."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-39 na kaarawan ng Ang Probinsyano star na si Coco Martin ang paghagupit ng bagyong Rolly. Kahit unstoppable ang karakter niyang si Carlo Dalisay ay hindi nito mapipigilan ang pananalasa ng super typhoon.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results