PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kapamilya actress Kim Molina, tampok sa two-part anniversary special ng Kapuso drama anthology Tadhana

Kim Molina, bida agad sa unang guesting niya sa Tadhana.
by Jojo Gabinete
Published Nov 6, 2020
Kim Molina on working for GMA-7: "Pareho lang din dahil madalas rin naman po tayong mga nasa industriya na nagkikita-kita sa gatherings so it did not feel alienating to me. Warm naman po ang welcome sa akin ng production same as how my Kapamilyas are on the set."

Si Kim Molina ang lead actress sa two-part third anniversary presentation ng Tadhana ng GMA-7 na mapapanood bukas, November 7, 3:15 p.m.

Malaking karangalan para kay Kim na mapili bilang bida sa unang guesting niya sa drama anthology ng Kapuso Network.

Nasanay kasi ang publiko na napapanood siya sa mga programa ng ABS-CBN kaya dumikit sa kanya ang label na Kapamilya actress.

"Mixed emotions po ang naramdaman ko. Nagulat at natuwa ako na nabigyan ako ng pagkakataon na tulad nito," sabi ni Kim sa Cabinet Files.

“Na-pressure rin ako dahil kapapanood ko pa lang ng movie ni Paolo Contis, ang Through Night and Day, a few weeks before sinabi sa akin ang project namin at sobra akong humanga sa kanya.

"Hindi ko akalain na agad-agad na makakasama ko siya."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paolo Contis and Kim Molina

May pagkakaiba ba ang pagtatrabaho mo sa ABS-CBN at sa GMA-7?

Ayon kay Kim, "Pareho lang din dahil madalas rin naman po tayong mga nasa industriya na nagkikita-kita sa gatherings so it did not feel alienating to me.

"Warm naman po ang welcome sa akin ng production same as how my Kapamilyas are on the set.

"Sa tingin ko, yung ibang mga manonood lang naman ang nagsasabi na may 'rivalry' dahil sa aming mga artista, wala naman talaga.

"We are just people trying to make a living, nagkataon lang na iba't iba ang networks.

"But we all know each other and we are blessed to do it through our passion."

Dramedy ang third anniversary presentation ng Tadhana na may pamagat na "The One That Ran Away."

Hannah ang pangalan ng karakter ni Kim na ikakasal na sana pero biglang nagbalik ang isang taong importante sa kanyang nakaraan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sina Paolo at Edgar Allan Guzman ang leading men ni Kim, na naging komportable agad dahil sa sinabi ng kanyang boyfriend na si Jerald Napoles.

Saad ng aktres, "Magaan katrabaho sina Paolo at EA.

"Hindi ko naramdaman na bago ako sa environment nila. Sobrang gentleman ng dalawa.

"Baliw lang kaming tatlo sa katatawa at kaiiyak sa mga eksena namin.

“Sinabihan din naman po ako ng boyfriend kong si Jerald na huwag kabahan dahil mababait sina Paolo, EA, at ang production staff kaya nakampante na rin po ako bago pumunta sa set."

Naganap ang lock-in taping ng Tadhana sa Tanay, Rizal kaya sumailalim si Kim at ang buong production staff sa required swab testing bago nagsimula ang trabaho nila.

"We all had to undergo PCR swab testing before taping. Bawal din po ang masyadong maraming tao sa set.

"Basically same as all of the 'new normal" shoots I got to work with for the past months," sabi ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Molina on working for GMA-7: "Pareho lang din dahil madalas rin naman po tayong mga nasa industriya na nagkikita-kita sa gatherings so it did not feel alienating to me. Warm naman po ang welcome sa akin ng production same as how my Kapamilyas are on the set."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results