Diskriminasyon para sa mga kalbo o walang buhok ang tweet ni G Tongi para kay Arnell Ignacio.
May mga netizens na umalma rito, at maging ang anak ni Arnell na si Pia na bibihirang magpa-interview ay nag-react.
Kahapon, November 7, 2020, nagsalita si Pia sa isang Facebook post, kung saan inilabas niya ang saloobin tungkol sa pangungutya ni G sa kanyang ama.
"This is the second time this week someone targeted DA Arnell Ign [Arnell's Facebook account name] about his hair.
"Forget the differences in opinion if artists should dig deep into current affairs, but to generalize men suffering with hair loss or baldness as ‘mahinang ulo' is just MEAN.
"We should offer support to men and women than dig deep into their insecurities."
Matatandaang bahagi ng tweet ni G ay patama sa hairpiece ng komedyante na kilalang DDS o Die-hard Duterte Supporter: "Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay yung di tumutubong buhok mo, kaya tuloy naka plug ins ka.."
Reaction ito ni G sa Facebook post ni Arnell noong November 2 tungkol sa mga celebrity critics ng gobyerno.
Nagtatrabaho ngayon si G bilang marketing consultant sa Island Pacific Supermarket, isang kilala na Filipino store sa California at pag-aari ni Nino Jefferson Lim, na asawa ng dating aktres na si Krista Ranillo.
Nagtatrabaho naman si Pia sa Creative Hair Systems, ang hair replacement company ng kanyang ama, at batid daw niyang ang pagkakalbo ay hindi "fault" ng isang tao.
Saad pa niya sa post nito. "Both men and women enter feeling conscious of their baldness or receeding hair line, which is why we take time to sit with them and know their story.
"It’s not their fault!
"Usually its genes, worse it’s cancer or they had an accident with hair treatments or dye.
"Others naman are fine with baldness and like the way it looks on them, which is absolutely fine!
"This is statement is not just for this lady, sana lahat po ‘wag natin pag tawanan mga kalbo o nakakalbo,” ang apela ni Pia sa lahat, hindi lamang para kay G.
Nasangkot si G sa isang isyu na wala siyang direktang kinalaman dahil sa unsolicited opinion nito tungkol sa pahayag ni Arnell Ignacio na mahirap nang ipagtanggol ngayon ang mga artistang "me yabang...sa katangahan."
Heto ang post ni Arnell sa Facebook (published as):
"Noon ang artista kadalasan ang tingin e mahina ang ulo... na stereoyped kung baga. Nakakasama nga ng loob noon ...pero ngayon ang hirap na ipagtanggol. Ang daming prueba eh. me yabang pa nga sa katangahan e."
Walang binanggit na pangalan si Arnell, pero tila sagot niya ito sa cryptic post ni Angelica Panganiban, na nag-tweet noong November 1 ng, “Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan sa bayan at mga Pilipino.”
Wala ring binanggit na pangalan si Angelica pero ang hinuha ng mga netizens ay patama ito kay President Rodrigo Duterte, na nasa Davao noong araw nang nanalanta sa Bicol Region si Super Typhoon Rolly.