Willie Revillame, binisita ang mga nasalanta ng bagyo sa Gigmoto, Catanduanes

by Jojo Gabinete
Nov 9, 2020
Mismong si Willie Revillame ang mismong nagpiloto ng helicopter na sinakyan niya papuntang Gigmoto, Catanduanes, isa sa mga bayan na sinalanta nang husto ng super typhoon Rolly.
PHOTO/S: Courtesy of Congressman Hector Sanchez

Kasama ang staff ng Wowowin at kanyang mga kaibigan, bumisita si Willie Revillame sa Gigmoto, Catandues, kahapon, November 8.

Isa ang Gigmoto sa mga bayang matinding hinagupit ng Super Typhoon Rolly noong November 1, 2020.

Tatlong helicopter ang ginamit ni Willie at ng kanyang mga kasama para marating ang bayan ng Gigmoto dahil nagdala sila ng mga kumot, gamot, at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayang nasalanta ng bagyo.

Nagbigay rin si Willie ng limang milyong piso kay Catanduanes Governor Joseph Cua bilang karagdagang tulong sa mga residente ng Gigmoto.

Nagmistulang ghost town ang Gigmoto dahil sa mga bahay, puno, at pananim na winasak ni Super Typhoon Rolly kaya wala pa rin kuryente at cellphone signal sa nasabing lugar.

Inabot ng dilim ang pagdalaw ni Willie sa Gigmoto kaya hindi sila nakabalik sa Metro Manila.

Nagpalipas ng gabi si Willie at ang kanyang mga kasama sa tahanan ni Catanduanes House Representative Hector Sanchez.

Continue reading below ↓

Mismong si Willie ang piloto at nagpalipad ng helicopter na sinakyan niya sa pagdalaw sa Gigmoto.

Bumalik siya sa Metro Manila nitong Lunes ng tanghali, November 9, para sa live show ng Tutok To Win.

Hindi ito ang unang pagkakataong tumulong si Willie sa mga kababayan nating biktima ng mga kalamidad.

Noong December 22, 2013, nagdaos siya ng live show sa Tacloban City.

Nagbigay naman siya ng tulong sa mga Pilipinong sinalanta ni Super Typhoon Yolanda noong November 8, 2013.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mismong si Willie Revillame ang mismong nagpiloto ng helicopter na sinakyan niya papuntang Gigmoto, Catanduanes, isa sa mga bayan na sinalanta nang husto ng super typhoon Rolly.
PHOTO/S: Courtesy of Congressman Hector Sanchez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results