Typhoon Ulysses, patuloy ang pananalasa sa NCR, Bicol, iba pang bahagi ng Luzon

by Jojo Gabinete
Nov 11, 2020
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7

Itinaas ng PAGASA ang Tropical Cyclone Warning Signal Number 3 sa Luzon dahil kay Typhoon Ulysses.

Kabilang ang mga pamahalaan ng Maynila, Pasig City, San Juan, Quezon City, Cavite, Batangas, at Laguna sa mga nagdeklara na walang pasok ang mga estudyante sa private at public schools bukas, November 12.

Sarado rin ang government offices maliban sa tanggapan ng Disaster Risk Reduction Management at ng mga naghahatid ng basic health services.

Sinabi ng PAGASA na inaasahan ang malakas na hangin at ulan na hatid ni Typhoon Ulysses sa loob ng labingwalong oras sa mga sumusunod na lugar sa Luzon:

Ang southern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan), ang southern portion of Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax Del Norte, Dupax Del Sur), Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna...

Ang northern at central portions ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas City, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Unisan, Agdangan, Gumaca, Plaridel, Pitogo, Macalelon, Lopez, General Luna, Catanauan, Buenavista, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, Perez), kasama ang Polillo Islands...

Continue reading below ↓

Batangas, Catanduanes, Camarines Norte, at ang northern portion ng Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Cabusao, Bombon, Calabanga, Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena at Presentacion, Caramoan).

Dahil sa nakaambang malakas na hangin at ulan na dala ni Typhoon Ulysses, naglabas ng advisory ang Robinsons Malls management na magbibigay ito ng temporary shelter o pansamantalang matutuluyan ng mga kababayan nating maaapektuhan ng bagyo.

Free overnight parking, WiFi at charging stations para sa cellphones, gadgets at rechargeable lamps ang alok sa lahat ng Robinsons Malls sa branches nito sa National Capital Region, North Luzon, at South Luzon.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results