Sa gitna ng pananalanta ni Typhoon Ulysses, naghayag sina Anthony Pangilinan at Jim Paredes ng kanilang opinyon kung sapat ba ang paalala ng gobyerno sa mga lugar na apektado ng bagyo.
Una na rito si Anthony, asawa ni Maricel Laxa at ama ni Donny Pangilinan.
Tweet ni Anthony, "Why do I have this feeling our people were not adequately warned and assisted by capable leadership to prepare for this storm? Nakakalungkot at nakakagalit."

NETIZENS' REACTIONS
Kinontra ng netizens na sumusuporta sa gobyerno ang obserbasyon ni Anthony.
Hindi raw totoo na nagkulang ang PAGASA, local government units, at mga television network sa paalala sa taumbayan.
Dagdag pa rito ay “napakakulit” daw ng alarm tone ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na panay ang padala ng text messages, upang bigyan ng babala ang lahat tungkol sa panganib na dala ni Typhoon Ulysses.
Sabi ng isang netizen kay Anthony: "Sir, parang nag-inform naman po sila. Been receiving txt alert to the point na nakaka-annoy na.
"If hindi man po nakaka-receive ng txt, there are other means to gain info like other social media platforms?
"If limited naman ang TV, may radio. May LGU din po."

Hirit pa ng isa, "Baka nasa settings po ng iPhone niyo yan sir. Paki turn on na lang po emergency alert. Kase po ako grabe i-alert ng @NDRRMC_OpCen eh."

Hindi naman malaman ng isang foreigner na naninirahan sa Pilipinas kung kulang nga ba sa paalala ang gobyerno, o nagkulang sa pagiging mas alerto ang taumbayan.
Aniya, "As a foreigner, I do not feel we were not warned.
"I mean @dost_pagasa is doing really a great job on announcing typhoon and giving info. I do not watch TV but it’s probably all over the news.
"Now, you are 'used' ( if we can really be used to such thing) so maybe not the same way to see thing.
"Anyway, most important is everyone to be safe and hope not too much damages for houses and infrastructures."

JIM PAReDES misses abs-cbn
Hindi naman maiwasan ni Jim na maalala ang pagkawala ng prankisa ng ABS-CBN.
Tingin ni Jim, malaking kawalan daw ang ABS-CBN, na malawak daw ang news coverage at isa sa mga mabilis rumesponde sa mga biktima ng kalamidad.
Tweet ni Jim, "Missing ABS-CBN during times like these.
"Info deficit.. No big fundraisers to help communities recover.
"The country is suffering."
Nagpatutsada rin si Jim sa 70 kongresista na bumoto na huwag aprubahan ang application for franchise renewal ng ABS-CBN.
May 11 kongresista ang payag sanang magpatuloy ang broadcasting operations ng ABS-CBN, habang tatlo naman ang nag-inhibit noong July 10.
Aniya, "Thank you congressmen. We will remember you for this."

MORE ON ABS-CBN FRANCHISE ISSUE
May isang netizen ang nag-tweet tungkol sa isa sa mga isyung lumabas sa imbestigasyon ng Kongreso tungkol sa ABS-CBN franchise.
Mas nabigyang-pansin umano ang pulitika kaysa serbisyo ng Kapamilya network.
Ito ay may kinalaman sa diumano'y maanomalyang tax avoidance scheme ng Kapamilya network, sa pamamagitan ng subsidiary nito na Big Dipper.
Pero kinuwestiyon sa Kongreso na pawang ABS-CBN affiliated companies daw ang sineserbisyuhan ng Big Dipper, sa halip na foreign companies
Entitled ang Big Dipper sa minimum five percent tax na singil sa kumpanya dahil nakarehistro ito sa PEZA o Philippine Economic Zone Authority.
Pero kinuwestiyon ng Kongreso kung bakit pawang ABS-CBN-affiliated companies ang sineserbisyuhan ng Big Dipper, sa halip na foreign companies sa ibang bansa.

Katuwiran ni Jim, kilala ang ABS-CBN bilang model taxpayer.
"ABS CBN was recognized by BIR as a model taxpayer. Does anyone of the congressmen share that distinction?
"On the balance, was it worth closing the station knowing now how inadequately ppl are being informed about calamities? Are u ok with their suffering and death?"

Walang katotohanan ang mga pahayag ni Jim dahil kung susubukan niya na mag-channel surfing sa telebisyon, mismong siya ang makapagpapatunay na hindi nagkukulang sa paghahatid ng impormasyon tungkol kay Typhoon Ulysses ang PTV4, Net25, TV5, CNN Philippines, GMA News TV at ang mga teleradyo station.
Makikita naman sa Twitter feed ni Jim ang pag-repost niya ng mga Twitter updates mula sa ABS-CBN News, GMA News, CNN Philippines at ibang media outlets tungkol sa matinding bagyo sa Metro Manila at mga karatig-bayan.
Malamang ang sentimiyento na kulang ang pagpapaala ng gobyerno tulad ng nararamdaman nina Anthony at Jim, ay dala ng malawak at matinding reach ng ABS-CBN, na noong namamayagpag ito ay nagbro-broadcast kara-karaka sa buong bansa.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika