PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Bobet Vidanes, nag-resign na sa It's Showtime; lilipat sa Lunch Out Loud

It's Showtime director Bobet Vidanes, magiging consultant ng Lunch Out Loud.
by Jojo Gabinete
Published Nov 13, 2020
Pagkatapos ng 11 taon, iiwan na ng TV director na si Bobet Vidanes ang Kapamilya noontime show na It's Showtime.
PHOTO/S: Instagram

Ikinalungkot ng mga host at staff ng It’s Showtime ang resignation ni Bobet Vidanes.

Si Vidanes ang direktor ng It’s Showtime, ang noontime show ng ABS-CBN na napapanood sa Kapamilya Channel at A2Z.

Labing-isang taong nakatrabaho si Vidanes ng mga host at ng staff ng It’s Showtime, kaya tiniyak ng isang nakausap naming mami-miss nila ang direktor na napapanood din paminsan-minsan sa harap ng kamera.

Walang idea ang mga host kung sino ang ipapalit kay Vidanes bilang direktor ng kanilang programa dahil pre-taped ang mga episode ng It’s Showtime sa linggong ito.

Pero alam ng mga host ng It’s Showtime na lilipat si Vidanes sa rival program nila—ang Lunch Out Loud ng Brightlight Productions na napapanood sa TV5.

Reportedly, magiging consultant si Vidanes ng Lunch Out Loud.

Pero hindi malayo ang posibilidad na, eventually, maging direktor siya ng noontime show na pinangungunahan nina Billy Crawford, Alex Gonzaga, at Bayani Agbayani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Personal ang dahilan na ibinigay ng source ng Cabinet Files tungkol sa desisyon ni Vidanes na ipagpalit ang It’s Showtime sa magandang offer ng Brightlight Productions.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos ng 11 taon, iiwan na ng TV director na si Bobet Vidanes ang Kapamilya noontime show na It's Showtime.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results