Lubos ang pasasalamat ng mga kasambahay nina Robin Padilla at Mariel Padilla sa kanila dahil sa libreng pabahay na natanggap nila mula sa mag-asawa.
Nagkaroon ng idea ang Padilla couple na ipagpagawa ng bahay ang kanilang mga kasambahay nang magpadala sila ng ayuda nang magsimula ang coronavirus pandemic.
Nang makita ni Robin ang tinitirhan ng mga kasambahay nila, nagpagawa siya ng apartment sa compound ng Museo Padilla. Dito lumipat ang pamilya ng kasambahay nila.
Hindi napigilan ng mga kasambahay nina Robin at Mariel ang mapaluha nang magpasalamat sila sa mag-asawa.

"Nagpapasalamat po ako dahil napapunta ako sa pamilya niyo," sabi kay Mariel ni Yaya Jo, ang midwife na tatlo at kalahating taon nang namamasukan kina Mariel at Robin.
Dagdag pang pahayag ng mga yaya ng mga anak nina Robin at Mariel, "Kakaiba po ang naranasan namin dito, hindi namin mararanasan sa iba.
"Iba po yung ipinapakita ninyo sa amin. Kakaiba po ang pakiramdam. Parang at home na at home po ako dito sa bahay ninyo."
Ngayong Linggo, November 15, ang first birthday ni Gabriela, ang bunsong anak nina Robin at Mariel.
Itinaon ni Mariel sa unang kaarawan ni Gabriela ang paliwanag niya tungkol sa desisyon nila ni Robin na ipagpatayo ng sariling tahanan ang mga kasambahay.
Saad ng TV personality, "During the start of the pandemic, dito sa amin, we really followed very, very strict quarantine rules. Talagang no one comes in and out.
"Talagang we’re very very strict with that because we have little kids. So, talagang maingat kami with everything.
"Another thing na kailangan namin gawin is to limit the exposure of the people na lumalabas at pumapasok sa bahay.
"So that means walang nakakalabas at nakakapasok, that includes yung mga kasama namin sa bahay.
"Siyempre, napakahirap nun para sa kanila kasi kahit naiintindihan nila, kahit sa simula pa lang in-explain namin sa kanila kung ano yung COVID-19, kung ano yung nangyayari sa mundo, napapanood nila sa news, pero siyempre dahil tao sila, they long for their family.
"Nami-miss nila yung pamilya nila. Siyempre, mag-aalala sila.
"Ang dami-daming nangyayari so mag-aalala sila sa mga pamilya nila.
"And we wanted to remove that worry away from them para hindi na nila ‘yon iniisip. So Robin decided to take them under his wing."
Patuloy ni Mariel, "There’s a place wherein Robin takes care of a few Muslim families. And for the very first time, we opened the doors to Christians, to Catholics like myself, for our staff.
"It is because they’re also sacrificing so much for their families.
"It is because they showed us loyalty, nagpakita sila ng pagmamahal sa amin at gusto naming suklian ng pagmamahal din yung ipinapakita nilang pagmamahal at mabuting serbisyo sa amin."
Mapapanood ang kabuuang pahayag ni Mariel sa kanyang vlog na mamayang gabi pa ang uploading sa YouTube Channel niya.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika