Former Survivor castaway Jervy "Patani" Daño, kinuhang kapalit ni Mystica sa Owe My Love

by Jojo Gabinete
Nov 25, 2020
Ang dating Survivor Philippines castaway na si Jervy "Patani" Daño (kaliwa) ang kinuhang kapalit ng GMA-7 kay Mystica (kanan) sa Owe My Love matapos magreklamo ng singer-actress na hindi magandang pagtrato sa kanya sa lock-in taping ng programa.
PHOTO/S: Facebook / YouTube

Si Jervy "Patani" Daño ang ipinalit kay Mystica sa Owe My Love, ang upcoming romantic-comedy series ng GMA Public Affairs.

Mabilis ang naging desisyong ipalit si Patani kay Mystica nang magkaroon ng meltdown ang singer-actress dahil sa pakiramdam niya binabale-wala siya ng production staff.

Mariin namang pinabulaanan ng mga tauhan ng Owe My Love ang mga akusasyon ni Mystica.

Nakilala si Jervy bilang "Ang Yaya" nang mapili siya bilang isa sa mga castaway ng unang season ng Survivor Philippines, na napanood sa GMA-7 noong September 15, 2008 hanggang December 14, 2008.

Maging artista, model, at host ang mga pangarap ni Jervy kaya sinubukan niya noong sumali sa StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7.

Pero hindi siya pinalad makapasa sa StarStruck audition dahil iba pala ang kapalaran niya—ang maging castaway ng Survivor Philippines.

Isinilang si Jervy sa Camotes Island, at Patani ang kanyang palayaw.

Dahil sa funny character niya, mabilis siyang nagmarka sa viewers ng reality show na pinangungunahan noon ng TV host na si Paolo Bediones.

Continue reading below ↓

Patani na rin ang ginamit ni Jervy na screen name nang magkasunod-sunod ang mga projects niya sa GMA-7 pagkatapos ng kanyang stint sa Survivor Philippines.

Two days ago, nag-post si Patani ng litrato niya sa Facebook, matapos sumailalim sa swab test na requirement sa lock–in taping ng Owe My Love sa isang resort sa Bulacan.

Pero wala siyang binanggit tungkol sa kanyang bagong television assignment.

Meanwhile, nagkakasiyahan naman ang cast ng Owe My Love sa kanilang TikTok video habang sumasayaw sa saliw ng musika ng "Tahong ni Carla."

Kasama sa Tiktok video sina Kiray Celis, Lovi Poe, Jason Francisco, Benjamin Alves, at Ai-Ai Delas Alas na masayang-masaya, nagpakita ng pagkakaisa, at hindi naaapektuhan ng mga reklamo ni Mystica laban sa production staff ng Owe My Love.


Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang dating Survivor Philippines castaway na si Jervy "Patani" Daño (kaliwa) ang kinuhang kapalit ng GMA-7 kay Mystica (kanan) sa Owe My Love matapos magreklamo ng singer-actress na hindi magandang pagtrato sa kanya sa lock-in taping ng programa.
PHOTO/S: Facebook / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results