Panganay na anak ni Dennis Padilla, nagpakasal sa kapwa babae

by Jojo Gabinete
Dec 2, 2020
Dennis Padilla reveals that his eldest daughter, Dianne Baldivia, married Katx Balmes, also a woman, in California on September 26, 2019.
PHOTO/S: Facebook

Ang eksena ni Dennis Padilla at ng transgender woman na si Francine Garcia sa Pakboys: Takusa ang isa mga pinag-uusapan sa trailer ng pelikulang official entry ng Viva Films sa 46th Metro Manila Film Festival.

May mga miyembro ng LGBTQ community ang diumano’y nainsulto sa eksena na nagpapakita kay Francine na nakatalikod habang umiihi nang nakatayo, samantalang gulat na gulat si Dennis dahil hindi nito inaasahang transgender woman ang nakaniig niya.

Paliwanag ni Dennis, "Kapag napanood niyo naman ang buong scene, sexy saka may bed scene kami kaya matutuwa rin yung LGBTQ community, kasi nag-make love kami."

Binabatikos si Dennis dahil sa eksena nila ni Francine sa Pakboys, pero siya ang may pinakamagandang kuwento tungkol sa kanyang pagtanggap at mataas na respeto sa mga miyembro ng LGBTQ Community.

Iginiit ng komedyante na mataas ang kanyang respeto sa LGBTQ community dahil may anak siyang nagpakasal sa kapwa babae, kaya walang dahilan para magalit ang offended members.

Continue reading below ↓

Lahad ni Dennis, "My daughter is married to a woman in the States.

"My eldest daughter Dianne, who is 30 years old, is married to Katx who is also a woman.

"And I respect them because mahal ng anak ko, e."

Si Dianne Baldivia ang panganay na anak ni Dennis sa first wife nitong si Monina Gatus, bago nagkaroon ng relasyon ang komedyante sa aktres na si Marjorie Barretto.

Naganap ang same-sex marriage nina Dianne at Katx sa California noong September 26, 2019.


Continue reading below ↓

Patuloy ni Dennis, "So, nang ikasal sila sa Amerika, I was happy for them.

"Ako pa ba ang babastos sa LGBTQ, e, yung daughter ko, asawa babae? Legally married sila sa California."

Suportado ni Dennis ang relasyon at ang pagpapakasal nina Dianne at Katx dahil makikita sa mga larawan nilang magkakasama na masaya siya para sa dalawa.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla reveals that his eldest daughter, Dianne Baldivia, married Katx Balmes, also a woman, in California on September 26, 2019.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results