PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bakit hindi kasama si Boy Abunda sa ABS-CBN Christmas station ID?

Boy Abunda, magbabalik-telebisyon na.
by Jojo Gabinete
Published Dec 4, 2020
Hindi raw big deal kay Boy Abunda ang pagkakaitsapwera niya sa Christmas Station ID ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Rose Garcia

Isa si Boy Abunda sa itinuturing na prized talents ng ABS-CBN, pero nakalimutan siyang isama sa Christmas Station ID ng Kapamilya Network.

Ito ay sa kabila ng nananatiling loyal ang veteran TV host sa kanyang home studio kahit binawian ito ng franchise ng Kongreso.

Nagtaka at nagtanong din ang maraming netizens kaya mabilis na nakarating sa mga executives ng ABS-CBN ang kanilang concern.

Pero ayon kay Boy, mas pinahahalagahan niya ang kanyang mga programa sa telebisyon. Hindi raw big deal sa kanya ang pagkakaitsapwera niya sa Christmas Station ID.

"Mula sa puso ko, I really don’t mind. Sa ngalan ng nanay, I really don’t mind," sabi ni Boy nang kunan siya ng pahayag ng Cabinet Files ngayong gabi, December 4.

Makahulugan pang sabi ni Boy, "Hayaan mo, hahabol ako bago mag-Pasko."

TV COMEBACK

Samantala, magbabalik-telebisyon si Boy bukas, December 5, 9:30 p.m., sa The Boy Abunda Interview Specials.

Si Palayan City Mayor Rianne Cuevas ang bisita ni Boy sa two-part special (December 5 and December 12) ng kanyang TV special na mapapanood sa ANC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malapit sa puso ng TV host ang alkalde na isa sa mga tumutulong sa Make Your Nanay Proud Foundation.


Boy Abunda with Palayan City Mayor Rianne Cueva

Ayon kay Boy, "It’s my foundation for seven years na yata. It’s my personal foundation.

"I set it up, dedicated ko ‘yon sa nanay ko, pero ngayon in memory na of my nanay."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ginunita ni Boy ang unang anibersaryo ng kamatayan ng kanyang ina na si Licerna "Lesing" Abunda noong Martes, December 1.

Dagdag niya, “We do concepts for mothers and everybody related to mother. Katulad nitong Typhoon Ulysses, marami kaming efforts sa Montalban, Marikina.

"We did our own relief operations. Meron kaming tinutulungan na house for the elderly, ang Emmaus sa Malolos, Bulacan, and then I collaborated with KKK, Kabataan Kartilya ng Katipunan."

Ang Tonight With Boy Abunda ang regular show ni Boy sa ABS-CBN, pero nahinto ito at hindi pa ibinabalik mula nang ideklara sa Luzon ang enforced quarantine noong March 15, 2020.

Ibinalita rin ni Boy na nasa planning stage na ang mga bagong programa niya sa ABS-CBN—isang public affairs show sa ANC at isang entertainment program na posibleng mapanood sa mga unang buwan ng 2021.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi raw big deal kay Boy Abunda ang pagkakaitsapwera niya sa Christmas Station ID ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results