PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nathalie Hart, natutong mag-budget dahil sa pandemic

Nathalie Hart, hindi nahirapang mag-adjust sa quarantine.
by Jojo Gabinete
Published Dec 4, 2020
nathalie hart daughter
Nathalie Hart: "As long as my loved ones are healthy and have something to be thankful for, like food and shelter, that’s all I need."
PHOTO/S: Instagram

Inamin ni Nathalie Hart na natuto siyang mag-budget dahil walang perang pumapasok sa kanya mula nang magkaroon ng corononavirus pandemic.

Natutuhan din niyang magtipid at huwag mag-aksaya.

"The most important lesson that I’ve learned is to always be appreciate everything in life, the things that we take for granted like health and hygiene.

"I’ve also learned how to budget like a pro kasi I had no salary coming in," walang paligoy-ligoy na sagot ni Nathalie sa mga katanungang ipinadala sa kanya ng Cabinet Files sa pamamagitan ng Facebook messenger.

Idinagdag ni Nathalie na nagkaroon siya ng realization na hindi kailangan ang maraming gamit para maging masaya siya dahil higit na mahalaga ang kalusugan ng kanyang buong pamilya.

"As long as my loved ones are healthy and have something to be thankful for, like food and shelter, that’s all I need."

Bago nagkaroon ng pandemya sa Pilipinas, mas madalas ang pananatili ni Nathalie sa tahanan niya, sa piling ng kanyang anak na si Penelope.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito raw ang dahilan kaya hindi siya masyadong nahirapan nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine noong March 2020.

"It was not hard because before the pandemic, I was always home.

"The only hard part was there’s so much free time, but after two months, I realize it’s time to try something new.

"I opened a resort wear line called @gaytreebypenelope.

"I’m still working on my plant-based skincare that I’m launching this January."

Magdiriwang ng second birthday sa January 2021 ang anak ni Nathalie na si Penelope.

Ang pangalan ng anak ang kanyang ginamit para sa mga negosyo na binuksan ng single-parent actress.

Isang taon na ang nakalilipas nang ipagtapat ni Nathalie sa isang talk show, noong December 5, 2019, na hiwalay na sila ni Mayank Sharma, ang Indian father ni Penelope, dahil sa kanilang personal at cultural differences.

Ang paghihiwalay nila ni Sharma ang isang dahilan kaya nagbalik-showbiz si Nathalie, na naging abala nang matapos ang ECQ dahil dalawang pelikula ang kanyang ginagawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Siya rin ang featured guest sa "Binabahayan" episode ng Kagat ng Dilim ng TV5 ngayong gabi, December 4.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Read More Stories About
Nathalie Hart, hardcore fans
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nathalie Hart: "As long as my loved ones are healthy and have something to be thankful for, like food and shelter, that’s all I need."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results