PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Docu film Memoirs of A Teenage Rebel, tuloy ang premiere sa sinehan sa kabila ng pandemya

Memoirs of A Teenage Rebel, balak isali sa docu section ng MMFF 2020.
by Jojo Gabinete
Published Dec 5, 2020

Sarado pa ang mga sinehan sa Metro Manila dahil nasa ilalim pa ito ng General Community Quarantine. Pero bukas na ang dalawang sinehan sa Sta. Lucia East Grand Mall sa Cainta, Rizal.

Ayon sa isang empleyado ng Sta. Lucia East Grand Mall na aming nakausap, nagbukas noong October 2020 ang Cinema 9 at Cinema 10 dahil Moderate General Community Quarantine na ang classification sa Rizal.

Diumano, mahigpit ang pagpapatupad nila sa two-seats apart sa moviegoers at hindi pagpapapasok sa mga walang suot na face mask at faceshield bilang pag-iingat laban sa banta ng COVID-19.

Ang Bloodshot ang palabas sa Cinema 9. Samantalang ang Cinema 10 naman ang venue ng premiere ng Memoirs of A Teenage Rebel na magaganap ngayong Sabado ng gabi, December 5.

Ang mapangahas na premiere night ng Memoirs of A Teenage Rebel ang hudyat na sinusubukan at dahan-dahan nang ibinabalik sa normal ang movie industry na kabilang sa mga lubhang naapektuhan ng coronavirus pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang documentary movie ang Memoirs of a Teenage Rebel.

Tampok dito si Ivy Lyn Corpin, dating miyembro ng New People’s Army pero iniwan ang kilusan para magbagong buhay.

Ikinuwento ni Ivy sa documentary movie ang recruitment sa kanya bilang NPA hanggang maging mataas na opisyal siya.

Nagbago ang takbo ng buhay, ang paniniwala, at prinsipyo ni Ivy nang i-recruit niya para sa NPA ang estudyanteng si Ira dahil sa kanilang mga karanasan habang naninirahan sa bundok.

Hindi para sa mahihina ang puso ang mga eksena sa Memoirs of a Teenage Rebel.

Bukod kay Ivy, nagkuwento rin ng heartbreaking experiences si Lady Miranda. Ex-member din siya ng NPA at dumanas ng mga pagsubok na parang sa pelikula lamang mangyayari pero naganap sa tunay na buhay.

Mahirap makalimutan ang panaghoy ni Lady habang ikinukuwento nito ang paulit-ulit na kalupitan na natikman niya.

Si Miguel dela Cruz ang direktor ng Memoirs of a Teenage Rebel, at si Robin Padilla ang producer ng pelikula.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results