PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Roselle Nava, na-eliminate sa Masked Singer Pilipinas

Roselle Nava, nahirapan sa costume niya bilang Adarna.
by Jojo Gabinete
Published Dec 5, 2020
Roselle Nava on joining Masked Singer Pilipinas as celebrity contestant: "When they asked me, nag-isip lang ako nang konti, pero sabi ko, it would be such a fun thing for me to do. Something for me to look forward to every week. Sinubukan ko, pumayag ako. Pero nung nandito na ako, sobrang hirap pala."
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Marami ang commercial load ang ibinigay na dahilan ng TV5 management kaya nagsimula ng 6:45 p.m. ang airing ng Masked Singer Pilipinas ngayong Sabado, December 5.

Ang original timeslot ng programg hinu-host ni Billy Crawford ay 7 p.m.

Si Sam Concepcion ang guest judge detective sa December 5 edition ng Saturday night musical-mystery competition ng Kapatid Network.

Pero sina Sheryl Cruz at Geneva Cruz ang mga hula niya sa katauhan ng singer na nagtatago sa likod ng maskara at costume ni Adarna.

Ang judge detective na si Cristine Reyes ang nakahula na si Roselle Nava ang mystery singer.

Ito ang pangalawang beses na tama ang kanyang sagot dahil nahulaan din niya noong nakaraang Sabado, November 28, na si Lolita Carbon ng Asin ang nagkukubli sa maskara ni Sea-Reyna.

Nang ipakilala ni Roselle ang sarili, dahil siya ang nagpaalam sa show, sinabi niyang madali para sa kanyang tanggapin ang alok na maging isa sa mga mystery celebrity contestant dahil pinanonood nila ng kanyang pamilya ang American version nito, ang The Masked Singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"When they first asked me to join, nanonood kasi ako nung sa U.S., my kids and husband, they all watch the show.

"So when they asked me, nag-isip lang ako nang konti, pero sabi ko, it would be such a fun thing for me to do. Something for me to look forward to every week.

"Sinubukan ko, pumayag ako. Pero nung nandito na ako, sobrang hirap pala.

"Every week, I would bring my own fan kasi walang ventilation yung mga mask namin.

"So, every time we would rehearse, yung mga number ko pa naman mostly I try to do a beat song, yung mga fun song, so talagang bago ko siya [maskara] tanggalin, talagang tagaktak yung pawis ko," kuwento ni Roselle tungkol sa kanyang karanasan bilang contestant ng Masked Singer Pilipinas.

Hanggang sa January 2, 2021 na lamang mapapanood ang Masked Singer Pilipinas. Ipapalit sa programa ang second season ng reality singing competition na Born To Be A Star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Roselle Nava on joining Masked Singer Pilipinas as celebrity contestant: "When they asked me, nag-isip lang ako nang konti, pero sabi ko, it would be such a fun thing for me to do. Something for me to look forward to every week. Sinubukan ko, pumayag ako. Pero nung nandito na ako, sobrang hirap pala."
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results