Four easy steps para mapanood ang MMFF 2020 entries

by Jojo Gabinete
Dec 6, 2020
The 10 official entries of the Metro Manila Film Festival 2020.
PHOTO/S: Screen grab from Upstream

Ang Annual Parade of Stars ang isa sa mga highlights ng Metro Manila Film Festival (MMFF).

Pero dahil sa coronavirus pandemic, magkakaroon ng mga pagbabago sa pagdaraos ng pinakahihintay na event sa Philippine movie industry.

Imbes na magkaroon ng parada ang mga artista, isang programa na lalahukan ng lead stars ng mga pelikula na opisyal na kasali sa 46th edition ng MMFF ang magaganap.

Gananapin ito sa December 23, 2:30 p.m., sa Quezon City Memorial Circle.

Mangyayari naman ang virtual awards night ng 46th MMFF sa Globe Studio sa Makati City sa December 27, 2020.

Ang online streaming sa UPSTREAM ng sampung pelikulang kalahok ang pinakamalaking pagbabago sa December film festival dahil sa panganib na hatid ng COVID-19 pandemic.

Dahil sa online streaming, mabibigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino sa buong mundo na mapanood sa halagang P250 ang bawat official entries.

Kaya Worldwide Metro Manila Film Festival at hindi na basta Philippine Metro Manila Film Festival ang tawag sa 46th MMFF.

Continue reading below ↓

Ang sampung official entries sa MMFF 2020 ay ang Coming Home, Tagpuan, Isang Pang Bahaghari, Pakboys: Takusa, Mang Kepweng, Suarez: The Healing Priest, The Missing, Magikland, The Boy Foretold By The Stars, at Fan Girl.

Naghanda rin ng prelude para sa 46th MMFF dahil simula sa hatinggabi ng December 7 hanggang sa December 24, maaaring mapanood sa UPSTREAM sa halagang P59 ang thirteen MMFF Classics o ang mga pelikulang naging bahagi ng December film festival.

Kabilang dito ang Gagamboy, Lastikman, Ang Larawan, Panday, Dayo, Die Beautiful, English Only Please, Enteng Kabisote, Manila Kingpin, The Asiong Salonga Story, Shake, Rattle & Roll 2K5, The Echo, Spirit Warriors, at Crying Ladies (December 9).

Bago para sa mga Pilipino ang online streaming ng mga pelikula ng MMFF 2020 kaya para sa kapakanan ng lahat, inalam ng Cabinet Files ang sistema sa pagbebenta at pagbili ng tickets.

Mag-uumpisa ito bukas, December 7, para sa Philippine residents, at sa December 18 para sa mga kababayan nating naninirahan sa ibang bansa.

Continue reading below ↓

Una, pumunta sa UPSTREAM.ph/mmff 2020 para makita ang listahan ng mga pelikula, i-click ang reserve now sa ilalim ng napili na palabas.

Pangalawa, i-click ang Pay para makuha ang ticket na binili mula sa GMovies.ph, ang ticketing site partner.

Pangatlo, kung hindi pa nagkakaroon ng account sa GMovies, i-click ang Create an Account.

At pang-apat, sa pagpatak ng 12:00 a.m. sa December 25, mapapanood na ang napiling pelikula sa My Shows ng GMovies account ng subscribers.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The 10 official entries of the Metro Manila Film Festival 2020.
PHOTO/S: Screen grab from Upstream
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results