"Pogi" at mas guwapo kesa sa tatay ang mga reaksiyon ng netizens tungkol sa litrato ni Alex Jazz, ang anak ng dating magkasintahang sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia.
Ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila ang naglabas sa Facebook page niya ngayong Lunes, December 7, ng bagong larawan ng mag-ina na pumukaw sa atensiyon at interes ng publiko dahil sa mabilis na paglaki ni Jazz.
Binatilyo na ang 12 years old na si Jazz.
Kaya sa susunod na taon, may teenage son na si Jennylyn na heartthrob in the making.
Isinilang ni Jennylyn si Jazz noong August 16, 2008.
Dahil mga popular na artista ang kanyang mga magulang, nasubaybayan ng publiko ang paglaki niya.
Tinanong ng Cabinet Files kay Becky ang height ni Jazz.
Ayon sa kanya, "He is quite a tall boy for his age."
Si Jazz ang itinuturing ni Jennylyn na inspirasyon, tunay na kayamanan, at pinakamalaking biyayang dumating sa buhay niya.
Sa isang interbyu kay Jennylyn noon, sinabi ng aktres na sunud-sunod ang pagdating sa kanya ng blessings mula nang isilang niya si Jazz.
"Na-feel ko ‘yan nung paglabas pa lang ni Jazz, dire-diretso na yung blessings. God, hindi ako napapabayaan kasi ako lang mag-isa," sabi ni Jennylyn.
Aminado ang aktres na hindi madali ang maging single parent dahil sa mga hamon na pinagdaraanan niya bilang isang ina.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika