Palaisipan sa mga kaibigan at kakilala ng aktor ang motibo nito sa pagkukuwento na nagsasama pa sila ng kanyang misis sa iisang bubong, pero magkahiwalay na ang kanilang kuwarto.
Sinasabi rin ng aktor na “open relationship” ang kasalukuyang sitwasyon nila ng kanyang asawa kaya maaari na silang makipag-date sa iba.
Mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas mula nang magpakasal ang dalawa.
Low-profile si misis kaya intrigue-free ang kanilang pagsasama, hanggang magsimula nang magkuwento ang aktor tungkol sa current set-up nila.
Nagugulat ang mga nakaririnig sa rebelasyon ng aktor dahil responsible father at loving husband ang public image niya.
Kahit may asawa at mga anak na ang aktor, pantasya pa rin siya ng mga kababaihan.
Isang aspiring star ang hindi inililihim ang malaking crush nito sa aktor.
Ang duda ng mga eyewitness, may milagrong naganap sa pagitan ng dalawa nang magkasama sila sa isang showbiz event.
Malakas kasi ang loob ng aktor na pumatol sa iba na walang anumang guilt o pagkakasalang nararamdaman bilang open relationship na nga ang kasunduan nila ng kanyang legal wife.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika