PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mama Ten ni Alden Richards, Wally Bayola nagkuwento rin ng kanilang COVID-19 experience

Hinimatay si Wally nung malaman niyang COVID-19-positive siya.
by Jojo Gabinete
Published Dec 12, 2020
Pare-parehong naging emosyonal sina (mula kaliwa) Tenten Mercado, Alden Richards, at Wally Bayola sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga nitong Sabado, December 12.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Hindi lamang si Allan K. sa pamilya ng Eat Bulaga ang nagpositibo sa COVID-19.

Dinapuan din ng nasabing virus si Wally Bayola at si Tenten Mendoza, ang personal assistant at confidante ni Alden Richards.

Gaya ni Allan, isiniwalat nina Tenten at Wally sa Saturday edition ng "Bawal Judgmental" ang pakikipaglaban nila sa coronavirus.

Kapwa naging emosyonal ang dalawa, pati na si Alden.

TENTEN, ALDEN BOTH GET EMOTIONAL

Napaluha si Tenten habang ikinukuwento nito ang guilt na naramdaman dahil nagkaroon siya ng COVID-19 kaya naapektuhan din si Alden.

Ipinakita naman ng Kapuso star ang unconditional love at pagiging mabuting boss sa kanyang personal assistant.

Mangiyak-ngiyak na lahad ni Tenten, “Umiyak po ako noon kasi inisip ko po si Alden na, dahil sa akin, ang daming nawalan ng work.

“Na-pack up yung taping namin, 'tapos si Alden, siyempre ambassador siya ng Department of Health.

“Hinintay ko rin yung tawag ni Alden.

"Nung tumawag po siya sa akin para kumustahin ako, parang nawala po yung pakiramdam ko na parang kasalanan ko kung bakit na-pack-up yung taping namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging emosyonal din si Alden sa sinabi ng kanyang longtime personal assistant.

Saad niya, “Honestly, nung nag-positive si Mama Ten noong una, ang daming pumasok sa isip ko.

"Kasi first time namin na may nag-positive sa kasama namin, so first time namin na nagkaroon ng exposure."

Pilit na nilabanan ni Alden ang pagpatak ng kanyang luha.

Patuloy niya, “Moreover sa nawalang mga trabaho, hindi mo na kasi iisipin yun, e. Ang iisipin mo na lang is yung kalagayan ni Tenten.

“Ilang years ko nang kasama 'yan. Twelve years kaming magkasama. So, parang hindi ko na inisip kung ano yung mawawala na trabaho.

"Ang main priority ko that time is maging okey siya.”

TAKING SAFETY FOR GRANTED

Nahimatay naman si Wally nang malaman nitong COVID-19-positive siya, at ang sarili ang kanyang sinisisi dahil ipinagwalang-bahala niya ang pandemya.

“Masyado akong naging bale-balewalain sa mga nakikita ko minsan sa social media.

“'Ah, wala naman COVID. Hindi naman totoong may COVID.'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Parang nadala ako, hindi ako nagma-mask, parang napagod na akong mag-mask. Napagod na akong mag-face shield.

"Kaya pag minsan, sa labas, sa amin, pauwi, may magpapa-picture, magtatanggal pa ako ng mask, dikit talaga.

“Parang na-relax ako na hindi ako nag-ingat. Parang ang naging mentalidad ko, wala namang COVID.”

Tunay na nasa huli ang pagsisisi.

Dahil sa kagustuhan ni Wally na mapatunayan na hindi totoo ang sinasabi ni Paolo Ballesteros na COVID-positive siya nang mawala ang kanyang boses sa taping ng kanilang game show sa TV5, sumailalim ang TV host-comedian sa swab test.

Ang resulta? Positive siya sa coronavirus.

“Nung dala ko na yung result, positive. Nagdilim ang paligid.

"Nagkamalay ako, ang sakit ng kabilang mukha ko, 'tapos may nagbi-BP sa akin. Nahimatay ako.

“Sabi sa akin ng doktor, hindi ka buntis, COVID 'yan,” pabirong kuwento ni Wally sa "Bawal Judgmental."

Dahil sa pagbaba ng oxygen level sa kanyang katawan, nagpasya si Wally na magpa-confine sa ospital, at dito niya naranasan ang anxiety attack.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ninenerbiyos ako, baka atakehin na ako sa puso. Nang dumating sa ospital, dun lumabas ang symptoms ko.

“Hindi naman ako nawalan ng panlasa, hindi ako nawalan ng pang-amoy.

“Sinok ng dalawang araw, walang tigil. Parang naiinis na ako. 'Bakit hindi natitigil yung sinok?'

"Lahat ginawa ko na, nilagay ko na yung sinulid [sa noo]," pagtukoy niya sa isang matandang paniniwala kapag sinisinok ang mga sanggol.

“Nahihiya pa ako sa nurse, ‘Sir, ba’t ho kayo may ganyan?'

“Ang mahirap pa, ninenerbiyos na ako kasi hindi siya nga yung usual na naririnig ko lang, hindi makahinga, nahihirapang huminga, nilalagnat…

“Ako, sinok. Sabi ko, baka sa puso, atakehin na lang ako sa puso.

"Ang mahirap pa nito, sa ospital, yung napuntahan ko na kuwarto, walang signal yung lahat ng network, walang wifi, walang dalaw.

"Sabi ko, 'Ano ito, mamamatay na lang ako ng imagination? Walang signal, walang means of communication?'”

THINKING OF HIS MOTHER

Habang nasa ospital, ang pagdarasal at pasasalamat sa Diyos ang naging sandigan ni Wally na labis na nag-alala para sa kanyang nanay na si Fe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dasal ako nang dasal pero yung dasal ko, nagte-thank you na ako. Dinanas ko din naman yung okey. Naramdaman mo yung magandang buhay. Nag-thank you na ako.

“Sabi ko nga kung talagang hanggang dito na lang ako, okey lang. Pero iniisip ko yung nanay ko.

“Yung nanay ko after a month, nawala yung stepfather ko. Sabi ko, 'Ma, ako ang mag-aalaga sa ’yo. Huwag kang malungkot, ha. Huwag kang iiyak.'

"'Tapos biglang ako yung mawawala?

“Naawa lang ako sa nanay ko, kasi bago ka pa makabisita, bago ka makauwi, maraming hihingin. May travel pass, magku-quarantine ka, e.

“Naisip ko, ano ba ‘yan? Parang salita lang ang magagawa ko sa nanay ko na aalagaan kita, pero heto ako, nakahiga, may oxygen.

“E, kung eto na pala, mamamatay ako. E, ako lang naman ang nag-iisang lalake na anak ng nanay ko.

“After kong lumabas ng ospital, nag-usap kami ng nanay ko.

"Sabi ng nanay ko, 'Nagka-COVID ka? Magdasal ka rin. Wala 'yan, anak! Sinabi ko rin 'yan sa sarili ko. Matagal ka pang mamamatay.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang sinabi ng nanay ko, masamang damo ako.

"Basta yun ang pampalakas ng loob. 'Matagal ka pang mamamatay, marami ka pang gagawin sa buhay. Magkikita-kita pa tayo ng kapatid mo.'

“Dun na ako nagsimula na, 'Ah, lalabanan ko na ’to.'

"Dun na ako nagsimula na kahit naka-quarantine, nag-exercise na ako, kain nang matino, nag-vitamins na ako ng talagang araw-araw,” ang ilan sa mga detalyeng ikinuwento ni Wally tungkol sa pinagdaanan niya bilang COVID-positive patient.

Ang mga naranasan ni Wally ang nag-udyok sa kanya para ipaalaala sa lahat na huwag ipagwalang-bahala ang coronavirus pandemic dahil totoo na nangyayari ito.

“Huwag niyo pong ilagay sa isip ninyo na walang pandemya. Huwag po, meron po. Kasi ako po, naranasan ko po. Naramdaman ko at nag-suffer ako.

"Meron pong COVID. Huwag tayong maging relax.”

HOT STORIES

Ano ba ang latest sa showbiz? Find out kung anong level ang showbiz IQ mo by subscribing to PEP.ph Viber Chatbot here. Join our community para laging updated!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pare-parehong naging emosyonal sina (mula kaliwa) Tenten Mercado, Alden Richards, at Wally Bayola sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga nitong Sabado, December 12.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results