Bea Alonzo-Alden Richards movie title: A Moment To Remember

by Jojo Gabinete
Dec 13, 2020
Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa schedule, sa January 2021 na ang principal photography ng pagtatambalang pelikula nina Alden Richards at Bea Alonzo.
PHOTO/S: @aldenrichards02 / @beaalonzo Instagram

A Moment To Remember ang pamagat ng unang movie team up nina Alden Richards at Bea Alonzo.

At kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa schedule, magsisimula sa susunod na buwan, January 2021, ang prinicipal photography ng kanilang pelikula.

Co-production venture ng Viva Films at GMA Pictures ng GMA Network Inc. ang A Moment To Remember at si Nuel Naval ang direktor ng proyekto.

Si Naval ang direktor ng Philippine adaptation ng Miracle In Cell No.7, ang Aga Muhlach-starrer na top grosser sa 45th Metro Manila Film Festival noong 2019.

Ang A Moment To Remember ang unang pelikula ni Bea sa labas ng bakuran ng Star Cinema matapos na magpaalam bilang exclusive contract artist ng Star Magic, ang talent management agency ng ABS-CBN.

Matagal nang usap-usapan na gagawa ng pelikula sina Alden at Bea pero nauna pa ang pagtatambal nila sa isang shampoo commercial.

Sa recent interview kay Alden ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), binanggit niya na may mga nagaganap nang pag-uusap tungkol sa posibleng pagsasama nila ni Bea sa isang movie project.

Continue reading below ↓

"From management to management po ang nag-uusap, na parang nag-ask po si GMA if Bea wants to make a film with me.

"So, parang she said yes, pero hindi pa po alam kung sino ang magiging producer at kung ano ang magiging istorya," ang pahayag ni Alden sa panayam sa kanya ng PEP.ph.

Hindi nagbigay noon si Alden ng ibang mga detalye pero tiyak na ang partnership nila ni Bea sa A Moment To Remember ng Viva Films at GMA Pictures.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa schedule, sa January 2021 na ang principal photography ng pagtatambalang pelikula nina Alden Richards at Bea Alonzo.
PHOTO/S: @aldenrichards02 / @beaalonzo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results