PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres na reality show winner, nabuntis ng boyfriend na aktor

Aktres, nasa first trimester na ng kanyang pagbubuntis.
by Jojo Gabinete
Published Dec 14, 2020
pep blind item couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Buntis ang aktres na nanalo sa isang reality talent show, pero hindi pa niya isinisiwalat sa publiko ang kanyang kalagayan.

Nasa first trimester na ang pagbubuntis ng aktres kaya hindi pa halatang buntis siya sa magiging anak nila ng aktor na produkto rin ng reality program sa telebisyon.

Nagkahiwalay noon ang dalawa dahil mas pinahalagahan nila ang kanilang mga showbiz career.

Naniwala ang aktor na hindi siya susuportahan ng kanyang fans kapag ipinagpatuloy nila ng girlfriend niya ang kanilang relasyon.

Sa huli, ang matinding pagmamahal sa aktres ang nangibabaw sa aktor kaya nakipagbalikan ito dahil hindi raw niya magagawang mabuhay na wala ang kanyang girlfriend.

Nang mangyari ang reconciliation, napagkasunduan ng aktres at ng aktor na huwag nang hayaang maging hadlang ang kanilang showbiz career sa pagmamahalan nila.

At dahil pareho silang nasa wastong gulang na, pwedeng-pwede nang bumuo ng pamilya ang aktor at ang aktres, kasama ang kanilang magiging anak na bahagi ng pandemic baby boom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results