PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Relatively newbie actor, kumpirmadong may rich gay benefactor

Aktor, nahuli sa sariling bibig.
by Jojo Gabinete
Published Dec 15, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Nanlumo ang isang showbiz personality dahil napatunayan nitong may rich gay benefactor ang aktor na itinuturing niyang anak-anakan.

Malapit sa showbiz personality ang nagkuwento sa kanyang alaga ng mayamang gay ang aktor.

Hindi agad pinaniwalaan ng showbiz personality ang narinig na balita dahil wala sa hitsura ng kanyang anak-anakan na pumapatol ito sa gays.

May matandang kasabihan na nahuhuli ang isda sa bibig.

Nangyari ito sa aktor dahil sa isang interbyu, ipinagmalaki niyang nakapagpundar siya ng mga ari-ariang malaking tulong sa kanyang pamilya sa panahon ng coronavirus pandemic.

Nakumpirma ng showbiz personality na totoong suportado ng rich gay ang aktor.

Bukod sa kuwento ng kanyang kaibigan, bagong salta sa entertainment industry ang anak-anakan niya pero nakapagbukas agad ito ng malaking negosyo at nakabili ng mga ari-arian.

Higit sa lahat, nalaman ng showbiz personality na nakiusap ang aktor na huwag nang gamitin sa artikulo ang kanyang kuwento tungkol sa mga property na naipundar niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Apparently, nag-alala ang aktor na baka pagdududahan at bigyan ng malisya ang pagkakaroon niya ng mga ari-arian sa kanyang sandaling panahong pamamalagi sa entertainment industry.

Hindi nagkamali ang suspetsa ng aktor dahil sa mga impormasyong nalaman ng showbiz personality mula sa kaibigan nitong privy sa relasyon nila ng kanyang rich gay sponsor.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results