Inilunsad ng UPSTREAM.ph ang heartwarming at thought-provoking "Hahahappy Christmas" ad ng 46th Metro Manila Film Festival ngayong Huwebes ng gabi, December 17.
Ang UPSTREAM.ph ang pinakabagong video-on-demand platform na gawa ng Pilipino para sa mga Pilipino.
Ang multi-awarded movie, television, and commercial director na si Erik Matti ang namahala sa MMFF Christmas ad na nagpapamalas ng tunay na Filipino spirit sa kabila ng panganib na hatid ng banta ng coronavirus pandemic.
May haplos sa puso at patatawanin ng Christmas ad ang viewers dahil sa mga eksenang madrama at nakakatawa.
Tribute ito ni Matti sa kanyang mga kapwa direktor na sina Chito Roño, Joey Javier Reyes, Wenn Deramas, at Peque Gallaga na pawang nagkaroon ng mga pelikulang naging kalahok sa mga nakaraang Metro Manila Film Festival.
Taglay ng "Hahahappy Christmas" ad ang classic Filipino elements at ang malaking pagbabago sa pagdiriwang ng Pasko ng mga Pilipino dahil sa pandemya na nararanasan sa buong mundo.

Ipinakita ni Matti sa MMFF Christmas ad ang katotohanang may pandemya man, tuloy na tuloy ang Pasko para sa mga Pilipinong palaging nakakahanap ng paraan upang maging masaya at sandaling kalimutan ang mga problema sa pamamagitan ng panonood ng sine.
Ang mga sinehan ang isa sa mga matinding naapektuhan ng COVID-19 pandemic, pero mapapanood pa rin ng moviegoers ang official entries sa 46th Metro Manila Film Festival sa pamamagitan ng online streaming ng UPSTREAM.ph.
Kaya walang dahilan para lumabas ang publiko mula sa kanilang mga tahanan.
Ang versatile character actress na si Kat Galang ang lead actress sa "Hahahappy Christmas."
Ginagampanan ni Kat ang role ng isang nurse na hindi hinayaan ang pamilya niyang maapektuhan ng takot na hatid ng coronavirus.
Kahit nasa bahay lamang sila, sama-sama nilang ipinagdiwang ang Pasko sa pamamagitan ng panonood ng MMFF entries sa kanyang cell phone na pwedeng ikonekta sa TV.
Si Kat ay napanood din sa BL series na Ben X Jim.
Tatlong araw ang ginugol ni Matti para sa shooting ng Christmas ad ng MMFF. Kinunan ang mga eksena nito sa makasaysayang bayan ng Taal, Batangas na walang masyadong kaso ng COVID-19.
Mahigpit na sinunod ni Matti at ng kanyang production team ang health and safety protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Tiniyak nilang pinairal ang social distancing at sumailalim sa swab test ang lahat ng mga sangkot sa shooting ng inspiring Christmas ad, na may layuning himukin ang manonood na suportahan ang 46th Metro Manila Film Festival.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika