Must-watch ang Christmas concert ng The Clash Season 3 sa Christmas Day, December 25.
Ito ay dahil sa performances na inihanda ng mga main host na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz; ang Journey hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela; judges na sina Ai-Ai delas Alas, Christian Bautista, at Pops Fernandez; at ang finalists ng reality competition ng GMA-7.
Higit sa lahat, hindi dapat palampasin ang special participation ni Lani Misalucha, na muling magbabalik sa The Clash matapos biglang mawala sa programa noong October 2020.
Sina Lani, Ai-Ai, at Christian ang mga original judge ng The Clash kaya ipinagtaka ng viewers ng programa ang sudden disappearance ng Asia’s Nightingale.
Nang makausap ng Cabinet Files si Lani sa telepono kagabi, December 17, kinumpirma nito ang pagbabalik niya sa The Clash.
Mayroon din siyang very inspiring story na kanyang ibabahagi sa televiewers.
Sasagutin ni Lani sa Christmas Day concert ng The Clash ang tunay na rason ng pagkawala niya sa show. Dapat itong abangan at panoorin dahil inspiring at kapupulutan ng mahahalagang aral.
Tunay na pang-Pasko ang kuwento na ibabahagi ni Lani dahil sa mga himalang nangyari sa kanya sa panahonng matindi ang banta ng coronavirus pandemic sa buong mundo.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika