Xian Lim, game show host na; 1000 Heartbeats, ididirek ng dating It's Showtime director

by Jojo Gabinete
Dec 21, 2020
Si Xian Lim ang napiling mag-host ng 1000 Heartbeats, Pintig Pinoy, ang ang Philippine franchise ng 1000 Heartbeats na nag-originate sa United Kingdom.
PHOTO/S: Instagram

Game show host na rin si Xian Lim.

Siya ang host ng 1000 Heartbeats, Pintig Pinoy, ang Philippine franchise ng 1000 Heartbeats na nag-originate sa United Kingdom.

Maraming beses nang naimbitahan si Xian bilang emcee ng mga beauty pageant, local at international, pero bagong hamon sa kanya ang maging host ng isang game show.

Tulad ni Xian, pawang nanggaling sa ABS-CBN ang mga taong may kinalaman sa produksiyon ng 1000 Heartbeats.

Ang former director ng It’s Showtime na si Bobet Vidanes ang direktor ng 1000 Heartbeats, Pintig Pinoy.

Samantalang ang ABS-CBN’s Game Ka Na Ba? creator na si Willy Cuevas ang creative manager at headwriter ng game show.

Planong ipalabas ang 1000 Heartbeats, Pintig Pinoy sa TV5 sa unang linggo ng February 2021.

Si Cuevas din ang direktor ng John En Ellen, ang sitcom nina John Estrada at Ellen Adarna na mapapanood sa TV5 simula sa January 2021.

Kakaiba ang konsepto ng 1000 Heartbeats dahil may suot na electronic heart-rate counter ang contestant habang nakatayo siya sa circular platform na tinawag na The Plate.

Continue reading below ↓

May pitong rounds ang 1000 Heartbeats at makikita sa monitor ang heart rate ng naglalaro habang sumasagot ito sa mga katanungan ng host.

Ang pintig ng puso ng contestant ang bibilangin sa tuwing sinasagot niya ang mga tanong, at ibabawas ang kanyang heartbeat mula sa initial total heartbeats na 1,000.

Kapag humantong sa zero ang heartbeats, ito ang hudyat ng pagkatalo ng manlalaro.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Xian Lim ang napiling mag-host ng 1000 Heartbeats, Pintig Pinoy, ang ang Philippine franchise ng 1000 Heartbeats na nag-originate sa United Kingdom.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results