PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lani Misalucha, apektado ang pagkanta dahil sa pagkabingi ng kanang tenga

Lani Misalucha: "Hirap akong kumanta. Hindi ko naririnig masyado ang boses ko."
by Jojo Gabinete
Published Dec 25, 2020
lani misalucha bacterial meningitis
Lani Misalucha: "Ganoon talaga ang buhay. Hindi mo malalaman na may dadapo pala sa 'yo na ganyan, na magdi-disable sa 'yo."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Umiiyak na ikinuwento ni Lani Misalucha sa Christmas special ng The Clash nitong Biyernes ng gabi, December 25, na bingi ang pandinig niya sa kanyang kanang tenga.

Ito ay dahil dinapuan siya ng bacterial meningitis na dahilan ng confinement niya sa ICU ng isang ospital.

"Na-miss ko ang The Clash, na-miss kong mag-work. Na-miss ko kayo dahil you’ve been all good to me," sabi ni Lani sa interbyu sa kanya nina Ai-Ai delas Alas at Christian Bautista pagkatapos ng madamdaming pag-awit niya ng "O Holy Night."

“Nagpapasalamat ako sa Panginoong Diyos dahil buhay ako, buhay kaming mag-asawa.

"Maraming salamat po sa lahat ng mga kaibigan at pamilya ko at supporters ko. They’ve been praying for me and I know that."

Sabi pa ng Asia's Nightingale sa kanyang mga tagasuporta, "Huwag ho kayong mag-alala, hindi ako nagkasakit ng akala niyo COVID.

"Hindi po, kasi kung COVID ‘yan, madali akong makakabalik dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang nangyari po sa akin ay mas matindi sa COVID."

WHAT HAPPENED TO LANI AND HER HUSBAND

Kasunod nito ay isinalaysay ni Lani kung ano ang nangyari sa kanila ng kanyang asawa na si Noli.

Saad niya, "Bingi po talaga ang nangyari sa akin, sa right side ko, sa aming mag-asawa. At meron po kaming vestibular dysfunction kaya kailangan naming ng alalay lagi."

Tulad ng pahayag ni Lani, hindi lamang siya ang nagkaroon ng bacterial meningitis dahil ito rin ang naging karamdaman ng kanyang asawang si Noli, na unang dinala sa ICU ng ospital noong October 9.

Kinabukasan, October 10, si Lani naman ang isinugod sa ospital dahil sa pananakit ng kanyang buong katawan, matinding sakit ng ulo, pagkahilo, at panghihina ng pandinig niya.

THE SUSPECT

Sa pakikipag-usap naman ng Cabinet Files kay Lani noong December 17, sinabi ng singer na may dudang nakuha nila ng kanyang asawa ang bacteria mula sa isang restaurant na pinuntahan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero tumanggi siyang sabihin ang pangalan ng restaurant.

"Ang suspetsa, may pinuntahan lang kami na isang restaurant, pero siyempre hindi ko naman sasabihin kung saan ‘yon.

"Saka na lang kung talagang may imbestigasyon na mangyari.

"Yun lang ‘yon. That’s the only thing na naalaala namin na lumabas kami sa restaurant, e, hindi naman kami kumakain ng baboy.

"Ang nakita sa blood namin, Swiss pork, blood meat na pork.

"Hindi masabi, ewan ko ba, parang natiyempuhan kami.

"Hindi masabi, baka nagkaroon ng cross-contamination…" lahad niya.

Sinabi rin daw ni Lani sa sariling baka hindi na para sa kanya ang pagkanta dahil sa nangyari.

"Hirap akong kumanta. Hindi ko naririnig masyado ang boses ko.

"Bingi yung kanan, biningi ng bacteria yung kanang tenga ko.

"Nakakarinig yung kaliwang tenga, pero hindi one hundred percent.

"Ang weird pa, ang dinig ko sa music, nagpa-fluctuate yung pitch, yung key, as in parang pinakinggan mo si Ading Fernando na kumakanta, yung nasisintunado?"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malaking perhuwisyo ang nangyari dahil maraming mga trabaho ni Lani ang nakansela at mga alok na show na hindi niya tinanggap.

Higit sa lahat, wala pang lunas sa kanyang pandinig na nawala dahil sa bacterial meningitis.

"Hindi naman ito magagamot. Wala itong gamot. Ang weird talaga.

"Noong kalalabas lang namin ng ospital, wala, as in bingi kami at hilong-hilo kami.

"Nakaka-disable talaga…" sabi niya.

Sa kabila ng matinding pagsubok na naranasan nila ng kanyang asawa, nananatiling matatag at buo ang kalooban ni Lani dahil sa malakas na pananalig niya sa Diyos.

Aniya, "Ganoon talaga ang buhay. Hindi mo malalaman na may dadapo pala sa 'yo na ganyan, na magdi-disable sa 'yo."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lani Misalucha: "Ganoon talaga ang buhay. Hindi mo malalaman na may dadapo pala sa 'yo na ganyan, na magdi-disable sa 'yo."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results