PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Patricia Javier at Rob Walcher, Vikings ang tema ng 15th wedding anniversary

Patricia Javier chooses Vikings as theme for her 15th wedding anniversary.
by Jojo Gabinete
Published Dec 29, 2020
Napili ng mag-asawang Patricia Javier at Dr. Rob Walcher na Vikings ang theme ng kanilang 15th wedding anniversary bilang simbolo ng katatagan ng kanilang pagsasama.
PHOTO/S: Claudine Cervantes-Callanta

Ipinagdiwang ni Patricia Javier at ng kanyang chiropractor American husband na si Dr. Rob Walcher ang kanilang crystal wedding anniversary o ika-labinlimang anibersayo bilang mag-asawa.

Ginanap ang okasyon sa tahanan ng mga magulang ng aktres sa Antipolo City noong Sabado, December 27, 2020.

Simple ang naging pagdiriwang ng mag-asawa dahil nagkaroon lamang sila ng pictorial, kasama ang kanilang mga anak na sina Robert IV at RJ.

Meaningful ang okasyon dahil ipinagdasal ni Reverend Pastor Romy Canlapan ang pagsasama ng mag-asawa.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VIKING COSTUMES BY REGINE TOLENTINO

"Vikings" ang theme ng 15th wedding anniversary celebration nina Patricia at Rob.

Ayon sa aktres, adventurous, brave, unstoppable, courageous, at malaki ang pagpapahalaga ng Vikings sa pamilya.

Nagpapasalamat si Patricia kay Regine Tolentino dahil ito ang nagpahiram sa kanila ni Rob ng Viking costumes na ginamit nila sa pictorial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Patricia, pampamilya lang ang selebrasyon kaya hindi sila nag-imbita ng mga bisita. Alinsunod na rin daw ito sa health and safety protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.


PATRICIA EX-BOYFRIEND MARC NELSON ATTENDED HER WEDDING

Dalawang beses na ikinasal sina Patricia at Rob sa San Diego, California.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Unang naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa county court ng San Diego, California noong December 27, 2005.

Makalipas ang halos dalawang buwan, sinorpresa ni Patricia si Rob dahil muli silang nagpakasal sa bahay ng isang kaibigan.

Isa sa mga hindi malilimutan ni Patricia ay ang biglang pagdalo ng kanyang ex-boyfriend na si Marc Nelson sa kasal nila ni Rob noong 2005.

Tinupad ni Marc ang pangako na kung sakaling hindi sila magkatuluyan ni Patricia at magpakasal ito sa iba, titiyakin niya ang pagdalo sa araw ng kasal ng kanyang ex-girlfriend.

Napagkasunduan daw nila iyon nang wakasan nila ang kanilang relasyon.

Hanggang ngayon, nananatiling matalik na magkaibigan sina Patricia at Marc.

In fact, parehong inaanak ni Marc sa binyag ang dalawang anak nina Patricia at Rob.

PATRICIA JAVIER'S WORKS AS AN ACTRESS

Napapanood pa rin si Patricia bilang aktres sa mga pelikula at palabas sa telebisyon.

Pero nagningning nang husto ang kanyang showbiz career noong late '90s hanggang early 2000.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumida siya sa pelikulang Kabit Ni Mrs. Montero, kunsaan ka-love triangle niya sina Edu Manzano at Gardo Versoza noong 1999.

Bida rin si Patricia sa Marital Rape, kunsaan katambal niya sina Tonton Gutierrez at Raymond Bagatsing noong 2001.

Nakatambal din niya ang yumaong legendary actor na si Eddie Garcia sa comedy-action films tulad ng Asin At Paminta (1999) at Matalino Man Ang Matsing Naiisahan Din (2000).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napili ng mag-asawang Patricia Javier at Dr. Rob Walcher na Vikings ang theme ng kanilang 15th wedding anniversary bilang simbolo ng katatagan ng kanilang pagsasama.
PHOTO/S: Claudine Cervantes-Callanta
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results