Lani Misalucha tatlong buwan nanirahan sa bahay ni Willie Revillame

by Jojo Gabinete
Jan 3, 2021
Lani Misalucha and Willie Revillame
Sabi ni Lani Misalucha tungkol kay Willie Revillame, "Three months kaming nag-stay sa bahay niya. Nakakatuwa yang tao na yan. He’s very generous and caring."
PHOTO/S: (Lani) @lanimisalucha Instagram | (Willie) Screengrab from Wowowin / Tutok To Win, GMA-7

Simula bukas, live na uli na mapapanood ang Wowowin/ Tutok To Win, ang game show ni Willie Revillame sa GMA-7.

Patuloy itong nagbibigay ng tulong, ligaya, at pag-asa sa lahat ng mga sumusubaybay rito.

Makasaysayan ang 2021 para kay Willie dahil ipagdiriwang nito ang 60th birthday sa January 27 pero hanggang ngayon, wala pa siyang plano para sa kanyang kaarawan.

“Wala pa akong naiisip na plano sa birthday ko. Dapat simple na lang. Mahirap ang situation ng buhay natin. Bawal pa ang magsaya,” ang pahayag ni Willie sa Cabinet Files nitong Linggo nang umaga.

Ang patuloy na tagumpay ng Wowowin/Tutok To Win at perpektong kalusugan ang mga dasal para kay Willie ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Isa si Lani Misalucha sa mga makapagpapatunay ng likas na kabutihan ni Willie, dahil tatlong buwan silang naninirahan ng kanyang asawang si Noli sa tahanan ng sikat na TV host noong kasagsagan ng coronavirus pandemic.

Continue reading below ↓

“Three months kaming nag-stay sa bahay niya. Nakakatuwa yang tao na yan. He’s very generous and caring,” ang sabi ni Lani nang makausap siya ng Cabinet Files noong December 17, 2020.

Pagpapatunay ito na matulungin din si Willie sa mga kasamahan niya sa industriya, hindi lamang sa lahat ng mga tumatangkilik sa kanyang television show.

Sa guesting ni Lani sa Tutok To Win noong June 3, 2020, nabanggit ni Willie na hindi niya kilala ang Filipina singer na kilala bilang "Asia’s Nightingale" nang mapanood niya noon sa isang show sa Las Vegas.

Lani Misalucha in her guest appearance in Willie Revillame's show, Wowowin / Tutok To Win.

Continue reading below ↓

“Ipinagmamalaki ng mga Pilipino sa buong mundo. Napanood namin sa Las Vegas ito, hindi ko kilala. Sabi ko, sino ‘yan? Pinay ba ‘yan?" ang gulat na gulat na reaksyon ni Willie pero mula noon, naging mabuting magkaibigan sila ni Lani at ng asawa nito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sabi ni Lani Misalucha tungkol kay Willie Revillame, "Three months kaming nag-stay sa bahay niya. Nakakatuwa yang tao na yan. He’s very generous and caring."
PHOTO/S: (Lani) @lanimisalucha Instagram | (Willie) Screengrab from Wowowin / Tutok To Win, GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results