San Juan City Mayor Francis Zamora excited na mapanood ang anak sa PBB: Connect

by Jojo Gabinete
Jan 4, 2021
San Juan City Mayor Francis Zamora and daughter Amanda Zamora.
"Dream come true" raw para sa daughter ni San Juan City Mayor Francis Zamora na si Amanda ang makapasok sa Pinoy Big Brother House.
PHOTO/S: @franciszamora30 Instagram

Nangibabaw ang pagiging proud at “stage father” ni San Juan City Mayor Francis Zamora.

Siya ang nag-announce na magiging housemate ng Pinoy Big Brother: Connect, ang daughter niyang si Amanda.

Kaya hindi ito nakasama sa kanilang recent family holiday sa El Nido, Palawan.

Ayon kay Zamora, ang pagsali ng kanyang 19-year-old daughter sa 15th season ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN ang katuparan ng matagal na nitong pangarap.

“So excited to watch you Amanda. It’s a dream come true for you my dear daughter,” sabi ni Zamora sa kanyang Twitter post nitong gabi ng Linggo, January 3.

Continue reading below ↓

“The last time we got to speak with Amanda was on Christmas Day through a video call. It has been 9-days since then. We miss her dearly!

“She has passed all her medical tests & is just completing her quarantine.

"She will be entering the Pinoy Big Brother’s Bahay ni Kuya very soon,” ang excited na balita pa ni Zamora tungkol sa bagong kabanata sa buhay ng daughter niya na isang modelo na carbon copy at female version niya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Dream come true" raw para sa daughter ni San Juan City Mayor Francis Zamora na si Amanda ang makapasok sa Pinoy Big Brother House.
PHOTO/S: @franciszamora30 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results