Mga residente ng Makati City, makakatanggap ng libreng COVID-19 vaccines

by Jojo Gabinete
Jan 4, 2021
Ang Makati City ang itinuturing na pinakamayamang siyudad sa buong Pilipinas kaya may kakayahan ang pamahalaan nitong suportahan at tulungan ang kanilang mga mamamayan.
PHOTO/S: Facebook

Sina Sharon Cuneta, Senator Francis Pangilinan, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Joanne Quintas, Dra. Vicki Belo, Hayden Kho Jr., Bibeth Orteza, Frank Garcia, at ang mga direktor na sina Carlitos Siguion-Reyna, Chito Roño, at Joel Lamangan ang ilan sa mga kilalang personalidad na residente ng Makati City na kabilang sa mga mapapalad na makakatanggap ng libreng bakuna laban sa COVID-19.

Naglaan ang lokal na pamahalaan ng Makati ng isang bilyong piso para pambili ng COVID-19 vaccines.

Pahayag ni Makati Mayor Abby Binay, "P1 billion pondo para sa Free COVID-19 vaccine sa lahat ng Makatizens.

"Guidelines for online registration to be announced soon. I want the free COVID-19 vaccine to be available and accessible to all Makatizens.

"The vaccine procurement is our top priority and we are already coordinating with Philippine vaccine czar Carlito Galvez, Jr. and the IATF to finalize details for the planned massed vaccination.

"The city government is willing to assist business owners who would be buying vaccines for their employees."

Continue reading below ↓

Ibinahagi ni Makati City Councilor at It’s Showtime host Jhong Hilario ang announcement ni Mayor Binay.

Ipinagmamalaki nang husto ni Vhong ang pagiging mamamayan niya ng lungsod na malaki ang malasakit sa “Makatizens.”

Ang Makati City ang itinuturing na pinakamayamang siyudad sa buong Pilipinas kaya may kakayahan ang pamahalaan nitong suportahan at tulungan ang kanilang mga mamamayan.

Hindi lamang ang libreng bakuna laban sa COVID-19 ang magandang balitang natanggap ngayon ng Makati residents dahil ipinagmalaki ng pamahalaan ng lungsod na nahigitan nito ang revenue target noong 2020.

Umabot sa P18.1 billion ang kabuuang koleksiyon ng Makati government noong November 2020 sa kabila ng paghihigpit sa mga negosyo dahil sa banta ng coronavirus pandemic.

"Sana all" naman ang reaksyion ng mga Pilipinong naninirahan sa iba’t ibang mga siyudad at naiinggit sa mga pribelihiyong ibinibigay ng Makati City government sa mga residente ng lungsod.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Makati City ang itinuturing na pinakamayamang siyudad sa buong Pilipinas kaya may kakayahan ang pamahalaan nitong suportahan at tulungan ang kanilang mga mamamayan.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results